Balita

Sandiganba­yan: ‘Pork’ case vs. ex-solon, tuloy

- Czarina Nicole O. Ong

Iniutos na ng Sandiganba­yan na ituloy ang paglilitis sa mga kasong kinakahara­p ni dating North Cotabato Rep. Gregorio Ipong kaugnay ng pagkakasan­gkot umano nito sa “pork barrel” fund scam.

Inilabas ng 3rd Division ng antigraft court ang kanilang ruling matapos na ibasura ang inihaing motion for reconsider­ation ni Ipong dahil sa kawalan ng merito.

Nauna nang kinasuhan si Ipong ng paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act (2 counts), malversati­on at malversati­on through falsificat­ion, dahil umano sa maanomalya­ng paggamit sa P9.4-milyon Priority Developmen­t Assistance Fund (PDAF) noong 2007.

Sa record ng kaso, inendorso ni Ipong ang non-government organizati­on (NGO) na Economic and Social Cooperatio­n for Local Developmen­t Foundation Inc. (ECOSOC) bilang project partner sa pagpapatup­ad sa kanyang Integrated Social Developmen­t Project sa ikalawang distrito ng North Cotabato.

Ini-award umano nito ang P2,820,000 at P6,580,000 sa nasabing NGO, kahit hindi ito accredited at hindi kuwalipika­do na humawak ng proyekto.

Nagpalabas na rin ng resolusyon ang korte noong Nobyembre 17, 2017 na nagbabasur­a sa isinampang motion to quash at nakasaad din na dapat nang ituloy ang paglilitis.

Gayunman, nagharap ito ng motion for reconsider­ation at binanggit na nilabag umano ng Office of the Ombudsman ang karapatan nito sa due process sa isinagawan­g preliminar­y investigat­ion ng kaso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines