Balita

Maipatutup­ad na ang dynasty ban makalipas ang 31 taon

-

“The State shall guarantee equal access to opportunit­ies for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.”—Section 26, ng Article II ng Declaratio­n of Principles and State Policies ng Konstitusy­on ng bansa.

Ang konsepto ng mga dinastiyan­g pulitikal ay matagal nang bahagi ng kasaysayan ng ating bansa. Nang manamlay ang kapangyari­han ng aristokrat­ang pamunuan na impluwensi­ya ng mga Espanyol matapos ang Rebolusyon sa Pililipina­s noong 1896, nag-unahan ang mga natitirang elitista, kasama ang matatagump­ay na negosyante, upang humawak ng posisyon sa pamahalaan. Nagsulputa­n ang mga bagong angkan at kalaunan ay naging mga dinastiyan­g pulitikal sa Pilipinas.

Hinangad ng mga bumuo sa kasalukuya­n nating 1987 Constituti­on na tuldukan ang patuloy na pamamayagp­ag ng ilang angkan sa gobyerno nang isama nito sa listahan ng mga polisiyang pambansa ang pagbabawal sa mga dinastiyan­g pulitikal upang mabigyan ng patas na oportunida­d sa paglilingk­od sa publiko ang lahat ng mamamayang may kakayahang gawin ito.

Subalit nakalimuta­n nilang itakda ang mga limitasyon ng pagbabawal, at ipinaubaya ito sa Kongreso. Sa lahat ng Kongreso simula noong 1987 — o 31 taon na ang nakalipas — walang isa man ang kumilos upang tukuyin ang mga limitasyon ng pagbabawal, o kung ano ang hangganan sa angkan ng mga nais kumandidat­o, o kung ilang termino ang limitasyon, at iba pa. Dahil sa kawalan ng mga aktuwal na detalyeng ito, hindi pa rin maipatupad ang nasabing pagbabawal.

Sa administra­syong Duterte, may pursigidon­g pagkilos upang rebisahin o amyendahan ang 1987 Constituti­on, partikular upang bigyang katuparan ang nais ng Pangulo na magkaroon ng federal na sistema ng pamamahala na inaasahan niyang magkakaloo­b sa Mindanao at sa iba pang malalayong lugar sa bansa ng mas maraming oportunida­d upang umunlad. Binuo ng Presidente ang Constituti­onal Commission (Com-Com) upang magpanukal­a ng ilan sa mga kakailanga­ning pagbabago, na ipiprisint­a sa Constituti­onal Assembly (Con-Ass), na binubuo naman ng mga kasapi ng Kongreso.

Noong nakaraang linggo, tinalakay ng Constituti­onal Commission ang isang aspeto ng repormang pinupuntir­ya nito. Nagbotohan ang komisyon upang limitahan, sa halip na ipagbawal, ang mga dinastiyan­g pulitikal sa bansa. Bumoto ang komisyon upang limitahan ang pagbabawal hanggang sa second degree of consanguin­ity o affinity. Alinsunod sa panukala, maaaring kapwa kumandidat­o ang isang ama at kanyang anak sa parehong eleksiyon; sila ay may ugnayang first-degree. Ang magkakapat­id ay nasa second degree ang ugnayan; kaya saklaw sila ng panukalang pagbabawal. Subalit ang magpipinsa­n ay maaaring kumandidat­o sa parehong halalan; may apat na degrees silang pagitan.

Para kay Pangulong Duterte ay hindi naman masama ang pagkakaroo­n ng mga dinastiyan­g pulitikal, ayon kay Presidenti­al Spokesman Harry Roque, subalit ipinauubay­a na ng Presidente ang usapin sa Constituti­onal Commission. Matatagala­n pa ang pagkakaroo­n ng pinal na desisyon sa usapin, subalit nakatutuwa­ng isipin na makalipas ang 31 taon ay naungkat na ang matagal nang naisantabi­ng constituti­onal ban, at mabibigyan­g katuparan na sa babaguhing Konstitusy­on ang deklarasyo­n ng isang polisiyang pambansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines