Balita

Digong no touch sa Napoles issue

- Argyll Cyrus Geducos, Ben Rosario, at Mary Ann Santiago

Nilinaw ng Malacañang na walang kinalaman si Pangulong Duterte sa desisyon ng Department of Justice (DoJ) na isailalim sa Witness Protection of Program (WPP) ng kagawaran ang tinagurian­g utak ng “pork barrel” scam na si Janet Lim-Napoles.

Ito ang inihayag ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque makaraang kumpirmahi­n ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na isinailali­m sa provisiona­l coverage ng WPP si Napoles.

Sa isang panayam sa radyo nitong Biyernes ng gabi, sinabi ni Roque na wala nang panahon si Pangulong Duterte para pakialaman pa ang mga ahensiyang nasa ilalim ng Executive Branch dahil masyado na itong abala sa pangangasi­wa sa bansa.

‘DI NANGHIHIMA­SOK “Hindinaman­popinanghi­himasukan ng Presidente ang lahat ng bagay na nangyayari sa mga departamen­to. Otherwise, wala na pong panahon ang Presidente para mamuno sa bayan,” sinabi ni Roque sa panayam ng DZMM.

“Hinahayaan na po ng Malacañang itong desisyon kung tatanggapi­n sa Witness Protection Program si Janet Lim-Napoles diyan sa mga prosecutor­s at kay Secretary Vitaliano Aguirre II,” dagdag pa ni Roque. “Mayroon naman pong proseso, sang-ayon sa batas, kung paano makakapaso­k sa Witness Protection Program ang gaya ni Janet Lim-Napoles.” Gayunman, nilinaw ni Roque na hindi pa pormal na tinatangga­p sa WPP si Napoles, kundi nasa protective custody lamang, at inaalam pa ng mga prosecutor ng DoJ kung kuwalipika­do itong mapasailal­im sa programa.

‘DI PA PINAL SA WPP “Ang ibig sabihin lang po ng protective custody, pag-aaralan na ng mga piskal kung siya’y dapat pumasok sa WPP. Pag-aaralan pa po iyong mga affidavit na kanyang isinumite, pero hindi pa po siya formally admitted to the Witness Protection. Hindi pa po,” ani Roque.

Una nang sinabi ni Aguirre na mayroong affidavit si Napoles na naglalahad ng mga karagdagan­g detalye tungkol sa Priority Developmen­t Assistance Fund (PDAF) scam noong 2013, na naging dahilan ng pagkakapii­t nito.

LOKOHAN? Umani naman ng batikos ang pagsasaila­lim ng DoJ kay Napoles sa proteksiyo­n ng pamahalaan.

Sa magkakahiw­alay na pahayag, iginiit ng mga kasapi ng mga minorya sa Kamara na Makabayan at Magnificen­t Seven, na ang paggamit kay Napoles bilang state witness ay malinaw na panloloko sa justice system sa bansa.

“The liberation of Napoles as the principal accused in the ‘mother of all scams’ in order to be awarded a stellar role as state witness is a mockery of the justice system,” ani Albay Rep. Edcel Lagman, pinuno ng Magnificen­t Seven. “Since Napoles is indicted as the brains in various plunder cases consequent to the PDAF scam, she does not qualify to become a state witness.”

Sinabi naman ni Makabayan Rep. Carlos Isagani Zarate, ng Bayan Muna Party-list, na sa naging pasya ng DoJ ay malinaw na gagamitin umanong armas ng gobyerno si Napoles “to retaliate” laban sa mga kritiko ng administra­syong Duterte.

AN’YARE? Dismayado rin si Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos sa aniya’y kahinahina­la at mga kuwestiyon­ableng desisyon ng DoJ sa kaso ni Napoles at sa pagpapawal­angsala kamakailan sa ilang high-profile drug suspects.

“What is happening with our DoJ? There are very much questionab­le and suspicious decisions,” ani Santos. “One, how can three very known, confessed drug lords be absolved? With this ‘war on drugs’ becomes joke? It is only the poor, the one ordinary, small fish are convicted. A disgusting decision, dishonoura­ble action. Justice is not served.”

Pinuna rin ng obispo ang pagbibigay ng proteksiyo­n ng pamahalaan sa itinuturin­g na utak ng pork barrel scam.

“Second, how can a mother and mastermind of all scams be given a provisiona­l witness protection? What she did was theft at the largest scale. There was graft and corruption, conspiracy to steal people’s money, and because of her many people suffered especially the poor,” dismayado pang pahayag ni Santos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines