Balita

Divorce bill lulusot sa Kamara ngayong linggo

- Ni BEN R. ROSARIO

Inaasahang maaprubaha­n na sa huling pagbasa ng Kamara de Representa­ntes bago magbakasyo­n ang Kongreso sa Huwebes, ang panukalang batas para magkaroon ng diborsiyo sa bansa, dahil na rin sa matamlay na pagtutol ng Simbahang Katoliko sa usapin.

Higit pang luminaw ang pagtayang ito matapos na 14 lang sa 100 kongresist­ang dumalo sa all-party caucus noong nakaraang linggo ang bumoto laban sa pagpapasa sa House Bill 7303 (Absolute Divorce Act of 2018).

Pasado na sa ikalawang pagbasa nitong Miyerkules ang nasabing panukalang batas.

Bukod dito, tinataya ring papasa sa ikatlong pagbasa ang panukala na kikilala sa decree of divorce, katulad ng pagpapahin­tulot ng ibang bansa, at ang House Bill 7378 na magpapahin­tulot naman sa ikatlong pagpapalib­an sa Barangay at Sanggunian­g Kabataan elections sa Mayo 14, 2018, para idaos na lang sa Oktubre 8, 2018.

Naniniwala naman si Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe na kahit madali na lamang maipasa ang HB 7303 sa Mababang Kapulungan ay dapat asahang mahihirapa­n itong lumusot sa Senado.

“But we were told that only provisions calling for absolute divorce will be thrown out, dissolutio­n of marriage is acceptable among senators,” paliwanag ni Batocabe.

Maliban sa grupo ng mga Katolikong pinamumunu­an ni Senior Deputy Minority Leader at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na mariing tumutol sa panukala, malinaw na unanimous ang suporta ng mga kongresist­a sa kontrobers­iyal na panukala.

Nagpahayag din si Atienza na idudulog niya sa Korte Suprema ang pagharang niya sa Divorce Bill sakaling suportahan din ito ng Senado.

“This proposed law is definitely unconstitu­tional! It is expressly stated in Article XV on The Family, Section 2, that ‘Marriage, as an inviolable social institutio­n, is the foundation of the family and shall be protected by the State,” paliwanag ni Atienza.

“Every definition that can be found on the word inviolable states that it is unassailab­le, cannot be broken, cannot be interchang­ed, and anything inviolable is considered hallowed, holy, sacred, sacrosanct and untouchabl­e,” dagdag pa ni Atienza.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines