Balita

KathNiel, panggulat ang new movie

- Ni ADOR SALUTA

KASAMA sa ilan pang pelikulang gagawin ni Cathy Garcia- Molina bago dumating ang sinasabi niyang retirement sa showbiz ang newest movie na pagbibidah­an nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo this year.

Isa ang KathNiel project sa mga naipangako niyang gagawin sa Star Cinema bago siya magpahinga sa trabaho for personal reasons.

“Magso- shoot kami sometime in April and hopefully it will be shown some time in July,” sabi ni Direk Cathy sa isang panayam.

Ayon sa boxoffice director, gusto niyang maigawa ng naiibang pelikula ang box-office love team.

“Well, kasi ang tagal din naming nag-break, kasi She’s Dating a Gangster ‘yung huli, ‘yung La Luna naman, eh, saglit lang ako, dalawang linggo, so nakaka-miss na makatrabah­o sila. ‘Tapos tumanda na sila so I’d like to make a story, dagdagan natin ng konti, gusto kong i-stretch natin ng konti ‘yung dalawa, that’s why I have to meet with them and ipa-approve kasi baka ma-shock sila do’n sa gusto ko.”

Ecstatic ang lady director sa reunion niya with KathNiel.

“Basta gusto ko sana sila offeran ng something they have never done before but will still, at the end of the day, kilig naman at saya ang hinahanap natin, eh, so I’m excited about the concept and I hope they will be excited too and sana ‘ yung audience matanggap,” sey ni Direk Cathy.

This time, ang bagong Star Cinema head na si Olivia Lamasan

na siya ring nasa likod ng kakaibang My Perfect You na pinipilaha­n ngayon sa mga sinehan ang mamamahala sa newest movie ng KathNiel.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines