Balita

Nagsiuwing OFWs, prioridad sa TNK job fair

- Mina Navarro

Hinimok ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang mga naghahanap ng trabaho, partikular ang nagsiuwian­g overseas Filipino worker (OFW) at mga magtatapos na estudyante, na samantalah­in ang mga oportunida­d na iaalok sa Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) job and business fair sa Marso 26, sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

“Maglalagay ng special lane para sa mga umuwing OFW, lalo na iyong mga nanggaling sa Kuwait, upang maalalayan sila,” sabi ni Labor Secretary Silverstre H. Bello III. “Iaakma namin ang kanilang kakayahan at karanasan sa pagtatraba­ho, sa mga oportunida­d na trabaho sa ating bansa o bibigyan natin sila ng libreng pagsasanay, kung kinakailan­gan.” Maliban sa libong oportunida­d sa trabaho mula sa iba’t ibang lokal na employer at private recruitmen­t agency, may mga oportunida­d din sa mga manggagawa para sa constructi­on industry sa isang araw na job fair, alinsunod na rin sa “Build, Build, Build” program ng pamahalaan.

Upang makaiwas sa mahabang proseso ng pagpapareh­istro, pinayuhan ni Bureau of Local Employment (BLE) Director Dominique Tutay ang mga jobseeker na mag-pre-register sa PhilJobNet hanggang sa Marso 21.

Mag-log-in sa PhilJobNet (https:// philjobnet.gov.ph/), i-click ang “job fair”, isunod ang “join job fair” para sa TNK Cuneta Astrodome, at ang “yes” para sa pre-registrati­on.

Dapat na i-print ng aplikante ang job fair pre-registrati­on online stub at ipakita ito sa event organizer sa registrati­on area sa araw ng job fair.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines