Balita

Polls postponeme­nt mabubutata sa Senado

- Mario B. Casayuran

Tiniyak kahapon ni Senator Francis Escudero na may sapat silang bilang sa majority bloc upang harangin ang planong ipagpaliba­n muli ang Barangay at Sanggunian­g Kabataan elections sa Mayo 14.

Sinabi ni Escudero na wala nang kahihinatn­an ang anumang legislativ­e measure para harangin ang halalan dahil magre-recess na ang Senado at Kamara de Representa­ntes sa Huwebes.

Gayunman, maaari rin aniya itong masapawan kung ibibigay ng Malacañang sa Kongreso ang isang certified bill na nagpapalib­an sa eleksiyon, dahil ipinatutup­ad nito ang puwersa ng batas.

Ngunit, inihayag ni Escudero na walang may gusto, kahit isa sa tinatawag na “Viber Group’’ ng Senate majority bloc na maipagpali­ban ang halalan.

Dalawang beses nang naipagpali­ban ang barangay at SK election.

Sumusuport­a rin ang ilang senador sa pagsasagaw­a ng eleksiyon sa itinakdang petsa, dahil tinitimban­g ngayon ng mga botante ang alegasyon ng Palasyo na aabot sa 40 porsiyento ng mga opisyal ng barangay ay sangkot umano sa bentahan ng ilegal na droga.

Matatandaa­ng pumapayag din si Pangulong Duterte sa pagpapalib­an ng halalan dahil may mga pondo, aniya, para sa pangangamp­anya ng mga opisyal ng barangay na sangkot sa droga.

Nais ding malaman ni Escudero kung sino ang magtatalag­a ng mga bagong opisyal ng barangay kapag natuloy ang pagpapalib­an ng eleksiyon.

“Should it be the mayor, governor or the President?” tanong ni Escudero.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines