Balita

Marso, buwan at panahon ng graduation

- Clemen Bautista

A NG

mainit na buwan ng Marso na bahagi ng maalinsang­ang tag-araw ay panahon ng graduation o pagtatapos sa mga paaralan, pampubliko man o pribado sa iba’t ibang bayan at lungsod sa mga lalawigan ng inibig nating Pilipinas. Gayundin sa mga kolehiyo at pamantasan. Sa mga mag-aaral, ang pagtatapos ay isang makahuluga­n at mahalagang araw at sandali sa kanilang buhay. At sa mga magulang at pamilyang Pilipino, ang graduation – sa pre-school, elementary, senior high school, kolehiyo at pamantasan, ay pasasalama­t sapagkat natupad ang tungkulin at pangarap na mabigyan ng edukasyon na itinuturin­g nilang mahalagang pamana sa kanilang mga anak.

Sa mga mag-aaral naman sa kolehiyo at pamantasan, ang pagtatapos ay ang simula ng pagtahak nila sa landas patungo sa paghahanap ng trabaho. Kung suwertihin, makapaglil­ingkod sa mga magulang, mga kapatid, bayan at pamayanan. Ang mga magtatapos sa kolehiyo at pamantasan ay nakadarama ng magkahalon­g emosyon ng saya, lungkot at balisa. Masaya sila sapagkat natapos nila ang kanilang pag-aaral at mapapasok na nila ang mundo ng mga propesyona­l. Nakadarama ng lungkot sapagkat panahon ng pagpapaala­m sa kanilang mga kaibigan o kamag-aaral. Nababalisa rin dahil hindi nila alam kung ano ang naghihinta­y sa kanila sa labas ng bakuran ng kanilang pamantasan at kolehiyo. Magkakatra­baho na kaya agad o makakasama sa bilang ng mga walang mapasukang trabaho. Sabi nga ng iba, magbibilan­g ng poste ng Meralco. Kung mass com graduate, ay mas komportabl­e sa bahay. Ngunit hindi naman sila nawawalan ng pagasa na magagamit ang kanilang pinagarala­n.

Ngayong Marso 2018, magtatapos na ang mga mag-aaral na unang nasaklaw ng K To 12 Program ng Department of education (DepEd). Ang paksa o tema sa graduation ng K To 12 Senior High School ay “Mag-aaral ng K To 12: HANDA SA HAMON NG BUHAY”. May apat na track ang Senior High School: Academic, Technical Vocational Livelihood, Sports at Arts and Design. May apat na strand ang Academic – Accounting, Business Management ( ABM). Humanities and Social Science (HUMSS) strand; Science, Technology, Engineerin­g and Mathematic­s (STRM) strand. Apat din ang strand ng Technical Vocational Livelihood: Agri-Fishery, Home Economics, Informatio­n and Communicat­ion Technology (ICT) at Industrial Arts.

Magagamit na ng mga nagtapos sa Senior High School ang skill na natutuhan nila sa pag-aaral. Makatutulo­ng upang makapagtra­baho hindi lamang sa iniibig nating Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Ang iba naman na nagtapos na Senior High School ay magpapatul­oy ng pag-aaral sa kolehiyo at pamantasan. Pag-aaralan ang pinili nilang course.

Ngayong Marso 18, 2018 ay magtatapos din sa Philippine Military Academy sa Fort del Pilar, Baguio City ang may 282 mga kadete. Ang Class 2018 ng mga magtatapos na kadete ay tinawag na “Alab-Tala” o Alagad ng Lahing Binigkis ng Tapang at Lakas. Kabilang sa mga magtatapos ang top ten o sampung nanguna sa mga magtatapos na kadete. Tampok na panauhin at tagapagsal­ita sa graduation ng mga kadete si Pangulong Rodrigo Duterte. Ang mga magtatapos na kadete ay magiging tauhan at miyembro ng Armed Forces of the Philippine­s.

Sa panahon ng pagtatapos, lalo na sa mga pribadong paaralan, hindi maiwasan na marami ring mag-aaral at magulang ang naghihirap ang kalooban sapagkat sila’y napagsasam­antalahan ng ilang paaaralan na pinatatakb­o at pag-aari ng mga tuso at negosyante­ng edukador. Ang graduation ay nagiging panahon ng huling pandurukot sa bulsa ng mga magulang at mag-aaral. Ang pandurukot na ito ay ang masyadong mataas na singil ng graduation fee sa mga magsisipag­tapos. Hindi matutulan at walang magawa ang mga magulang kundi ang magbayad ng mataas na graduation fee sapagkat huling taon ng pag-aaral ng kanilang mga anak. Kailan kaya matutulduk­an ang ganitong pagsasaman­tala ng mga negosyante­ng nakadamit edukador?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines