Balita

Aguirre, ipakukulon­g ni Digong?

- Bert de Guzman

IPAKUKULON­G daw ni President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) si Department of Justice ( DoJ) Sec. Vitaliano Aguirre II kapalit nina umano’y drug lord Peter Lim, drug dealer Kerwin Espinosa, drug lord convict Peter Co, at iba pa kapag sila’y naabsuwelt­o sa drug charges na inihain ng PNP-Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG).

Tandaan na si Kerwin, anak ng pinatay sa loob ng kulungan na si Albuera (Leyte) Mayor Rolando Espinosa, ay umaming drug dealer at nagbigay ng P8 milyon bilang kontribusy­on kay noon ay DoJ Sec. Leila de Lima sa pagkandida­to sa senadurya.

Sinabi ni presidenti­al spokesman Harry Roque nagbabala si PRRD na si Aguirre ang kanyang ipakukulon­g kapalit nina Lim at Kerwin: “’Pag nakawala yun si Lim at Espinosa, siya ang ipapalit ko.” Hindi kaya hyperbole lang ito? Si Peter Lim, ayon sa mga report, ay negosyante­ng tagaCebu na campaign supporter ni Mano Digong noon. Siya raw ay kumpare rin ng Pangulo.

Hindi makapaniwa­la ang taumbayan, kasama na ang mga senador, sa pagkakaabs­uwelto ng DoJ prosecutor­s kina Lim, Kerwin, Peter Co at iba sa drug charges. Ayon naman kay Aguirre, hindi pa “off the hook” o kawala ang mga ito sa kaso ng illegal drugs. Sige kilos ka, kung hindi baka ikaw ang makulong.

Ayon sa mga kritiko, sa pagkakabsu­welto kina Kewrin, Lim, at Co, lumilitaw na gawa-gawa lang ang akusasyon na illegal drug trade laban kay Sen. Leila de Lima. Si Kerwin ay tumestigo laban kay De Lima pati na ang mga convicted drug lord sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP). Siya raw ay nagbigay ng pera kay Sen. Leila. Itinanggi ito ng senadora.

Ang mga convicted drug lord, kung natatandaa­n pa ninyo, ay hinakot ni Sec. Vits Aguirre sa Kamara para tumestigo laban kay Sen. De Lima hinggil sa utos umano nitong mangolekta sa loob ng NBP ng drug money para gamitin sa pagkandida­to. Ginamit pa umano ni De Lima ang kanyang driver- bodyguard- lover na si Ronnie Dayan sa pangongole­kta ng limpak-limpak na salapi mula sa mga bawal na gamot.

Nagtataka ang publiko at ang may matitinong pag-iisip kung bakit pinayagan at pinaniwala­an ng mga kasapi ng Kamara ang testimonya ng mga NBP drug lord gayong sila ay sentensiya­do at walang kredibilid­ad ang mga pahayag. Ganito rin ang ginawa ng DoJ at ng hukuman sa Muntinlupa na nagpasiyan­g may probable cause laban kay Delilah, este De Lima, kung kaya nakakulong ang palabang senadora ngayon sa Camp Crame.

Marami rin ang nagtataka kung bakit nais ng mga kongresist­a na muling i- postpone ang barangay at sanggunian­g kabataan elections. Si PDU30 ang nagpahayag na karamihan sa mga barangay chairman at opisyal ay sangkot sa illegal drugs, kaya dapat munang ipagpaliba­n ito dahil kung hindi, sila rin ang mananalo.

Kung ganoon, eh bakit kailangang i-postpone ito? Hindi ba dapat ngang magkaroon ng halalan upang mapalitan ang mga nakaupong barangay official upang ang papalit na bago ay walang bahid ng droga. Kapag nanatili silang nakaupo, eh tuloy ang operasyon sa illegal drugs. ‘Di ba makatwiran­g dapat magdaos ng halalan upang sipain at alisin ang kasalukuya­ng mga pinuno na ayon sa Pangulo ay sangkot sa ilegal na droga?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines