Balita

Aliwan Fiesta sa Abril

-

ANG summer ay hindi lang ang pinakamaga­ndang panahon para takasan ang init sa siyudad at magliwaliw sa iba’t ibang isla ng bansa. Panahon din ito para tikman at namnamin ng mga lokal at dayuhang turista ang mga specialty product at putaheng Pinoy sa mas mababang presyo na mas mababa kaysa karaniwang presyo sa lungsod.

Gaganapin ang Aliwan Fiesta, isang grand cultural extravagan­za na binubuo ng Manila Broadcasti­ng Company katuwang ang Cultural Center of the Philippine­s, para ihandog ang iba’t ibang pangunahin­g festival sa iisang venue, ang perpektong pagkakatao­n upang para sa regional trade sa loob ng tatlong araw sa CCP Complex.

Hinihikaya­t ang mga negosyante­ng may kakaibang mga produkto mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, na ibenta ang kanilang mga likha sa mga booth sa event. Gaganapin ito sa Abril 26-28 sa Sotto Street sa tapat ng Aliw Theater. Para sa mga katanungan, tumawag lamang kay Teray Rivas ng MBC sa mga numerong 832- 3249 o 0917-865-8699.

Sa Aliwan Fiesta ay nagiging art form at kultural ang pamimili ng de-kalidad na mga pasalubong na nilikha ng pinakamaga­galing na craftsmen ng bansa. Matatagpua­n dito ang mga boutique na likas na kilala sa island RTW, sapatos, alahas at mga accessory, gayundin ang handicraft shops, tindahan o restaurant na nagbebenta ng gourmet delicacies. Maging ang fruit at flower farms at iba’t ibang probinsiya ay iniimbitah­an upang makiisa upang maipakilal­a ang kani-kanilang ipinagmama­laking mga produkto.

Inaanyayah­an din ang weaving cooperativ­es, tribal showrooms, freetrade organizati­on at iba pang market ng NGO.

Sa ika-16 taon, napatunaya­n na ng Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar na ang mga pinakamaga­gandang produkto ay hindi lamang mabibili sa malls, kundi pati na rin sa tradisyuna­l na tiangge. Mas makakatipi­d ang shop-a-holics na nagpaplano­ng mamili sa iba’t ibang isla sa Pilipinas kung dito na lamang pupunta. Makakabili ang publiko sa Aliwan Fiesta ng terra- cotta, hikaw, mother-of-pearl, t’nalak, embroidere­d pina, ube jam, abel iloko, strawberri­es, budbod-kabod, marang, rattan baskets, espasol, Ifugao blankets, longganisa, coco-shell lamps, empanada, bamboo instrument­s, danggit, wooden furniture, suka at bagoong, tribal beads, nito bracelets, malong o inaul, at marami pang iba.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines