Balita

KathNiel at JaDine, may summer pasabog sa ‘ASAP’

-

KIKILIGIN ang mga manonood ngayong tanghali sa mga pasabog na inihanda nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, at Nadine Lustre at James Reid sa ASAP. Mainit na dance showdown naman ang pagsasamah­an nina Maja Salvador at Yassi Pressman at summer dance craze na tinatawag na Katchi naman ang itatanghal nina Maymay Entrata at Edward Barber kasama sina Kyle Echarri, Jeremy Glinoga, Darren Espanto, AC Bonifacio, Awra Briguela, at Ylona Garcia pati na ang ilan sa mga miyembro ng 2018 Star Magic Circle na sina

Chantal Videla, Charlie Dizon, at Daniela Stanner. Bibigyang-pugay naman sa “ASAPinoy” banda series ang mga awitin ng Freestyle sa pangunguna ng tribute master na si Martin Nievera kasama sina Toni Gonzaga, Yeng Constantin­o, Morissette Amon, Jake Zyrus,

Jason Dy, Sam Milby, at Zsa Zsa Padilla. Nakaka-in love naman ang “TLC The Love Connection” nina Erik Sanros, Kyla, Daryl Ong, at Angeline Quinto at kaabang-abang din ang world- class performanc­e ng OPM icons na sina Zsa Zsa Padilla, Lani Misalucha, Ogie Alcasid, at Martin Nievera. Huwag din palalampas­in ang mga hugot songs ng taong 2000 sa “Jambayan” kasama sina Iñigo Pascual, Isabela Vinzon, JM de Guzman, Migz Haleco, Moira dela Torre, at Zia Quizon.

Huwag palalampas­in ang ASAP ngayong tanghali sa ABS- CBN o ABS- CBN HD ( SkyCable ch 167). Maaaring mapanood ang replay ng episode sa iwantv. com. ph o kayasa skyondeman­d.com.ph para sa mga Sky subscriber­s. I-tweet na ang iyong reaksyon o opinyon sa show sa Linggo gamit ang official hashtag na #ASAPSummer­Trip.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines