Balita

Aktres na botox queen, ilado na ang mukha

- Ni REGGEE BONOAN

PAKSA ng kuwentuhan ng entertainm­ent press sa isang showbiz event ang mahusay na aktres na itinotodo na ang pag-arte pero hindi naman makitaan ng emosyon sa mukha dahil dinadaan na lang sa panlalaki ng mga mata.

“Eh, kasi plantsado na ang mukha niya,” sabi ng isang entertainm­ent editor. “Meaning, wala ka nang makikitang reaksiyon kasi naka-botox. Ewan ko ba sa mga artista ngayon, ang hilig- hilig magpa- botox. Bakit ayaw nilang aminin na tumatanda na sila? Natural magkakaroo­n na ng lines, eh, itong si _____ ( mahusay na aktres), hayan, sobrang kinis, walang lines ang forehead... sa ilalim ng eyes. Hindi na nga gumagalaw ang face niya, eh. Bibig na lang nga hindi maibuka nang husto.”

Hindi namin masyadong napapansin na ilado na pala ang mukha ng mahusay na aktres, kasi nga naiirita kami sa karakter niya bilang kontrabida. Kaya kapag siya na ang naka-flash sa screen, hindi na kami nanonood. Pero dahil sa narinig naming obserbasyo­n at komento ng mga katoto, sinusubayb­ayan tuloy namin ang bagong Botox Queen.

Ha-ha-ha, oo nga, idinadaan na lang sa pandidilat ng mata ang acting ng mahusay na aktres. Kaya natatawa kami kapag magkaeksen­a sila ng isa pang aktres na may ipinagawa rin sa mukha.

Naaalala kasi namin ang joke ng mga katoto: “Dalawang aktres na flashlight­s” kasi nga may paligsahan siya ng palakihan ng mga mata.

Oh well, ‘yun na kasi ang uso ngayon sa celebritie­s, kailangang dumaan sa siyensiya para manatiling walang kulubot ang mukha na idea yata nila ng maganda. Ito nga naman ang puhunan nila.

Ang problema, nagiging ilado o frozen ang mga mukha nila sa dami ng isinasaksa­k na chemicals.

Mabenta pa naman sa mga teleserye ang mahusay na aktres, marami pang offers sa kanya. Ibig sabihin, hindi pa napapansin ng karamihan ang pagiging Botox Queen niya.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines