Balita

Hillary Clinton, nabalian ng wrist nang madulas sa India

-

HINDI naging maganda ang pagbisita ni Hillary Clinton sa India tulad ng kanyang inaasahan. Nagpatingi­n sa doktor ang dating Secretary of State ng U.S. sa nang bumisita sa Jodhpur City nitong Martes, ayon sa The Times of India.

Inihayag ng hindi pinangalan­ang doktor sa naturang pahayagan na si Clinton, 70, “was taken to the hospital in the morning where we administer­ed [a] CT Scan and X-Ray of her hand, which showed that she had a minor fracture in her right wrist.”

Hindi pa nagpaunlak ng komento ang tagapagsal­ita ni Clinton nang hingan ng pahayag ng PEOPLE.

Iniulat ng Deccan Herald na pinayuhan si Clinton ng mga doktor sa Jodhpur na magpahinga. Sinabi ni Anand Goyal, may- ari ng Goyal Hospital sa lungsod, na may tumawag sa ospital mula sa Umaid Bhawan Palace na pansamanta­lang tirahan ni Clinton. “We were requested to send a team of doctors and hot bandage to the hotel after Hillary complained of pain in her hand,” lahad ni Goyal.

Ayon sa DNA India, dalawang beses na nadulas o nahulog sa hagdan si Clinton sa loob ng mosque. Ayon pa sa ulat, nadulas sa bathtub si Clinton habang nasa Jodhpur nitong Martes ng hapon, kaya nabalian umano ito ng pulsuhan.

Nakatakda sanang bisitahin ni Clinton ang makasaysay­ang fort sa Mehrangarh Museum sa Jodhpur ngunit sinabi ng isang empleyado sa Deccan Herald na nakansela ito dahil sa kanyang injury.

 ??  ?? Hilary
Hilary

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines