Balita

Bella Thorne, bakit sa Twitter nagbubunya­g ng kanyang mga lihim?

-

ISA si Bella Thorne sa rare celebritie­s na bukas sa publiko ang personal na buhay, maging ang pinaka-intimate, sa pamamagita­n ng social media.

Noong 2016, pinag- usapan ang seksuwalid­ad ng Midnight Sun nang kumalat sa Internet ang kanyang litrato na may kahalikang babae.

Nang mga panahong iyon, katatapos lamang ng relasyon ng aktres kay

Gregg Sulkin, at naging palaisipan sa kanyang fans kung bisexual siya.

Sa halip na magbigay ng cover story interview, nagkomento lang si Thorne ng “Yes” sa tweet ng isang fan na nagtatanon­g tungkol sa seksuwalid­ad niya.

Sa loob ng dalawang taon, may bahagyang pagbabago; madalas nang magbahagi ang 20 taong gulang na aktres ng kanyang personal na buhay sa Twitter. Sa katunayan, sa dating advice Q&A session sa social media site ngayong linggo, sinagot ni Thorne ang mga katanungan ng fans tungkol sa pagiging bisexual niya. Nang tanungin kung paano niya ito inamin sa kanyang mga magulang, inamin ng aktres na una siyang nagpahayag sa Twitter bago pa man sa kanyang ina.

Bago at naiiba si Thorne sa pagiging bukas sa kanyang buhay kumpara sa ibang mga bituin na mas nais na pribado ang buhay nila. Ngunit bakit nga ba sa Twitter ibinubunya­g ng aktres ang kanyang mga lihim? Itinanong ito ng Yahoo Entertainm­ent kay Thorne sa world premiere ng kanyang pelikulang Midnight Sun, na pinagbibid­ahan nila ni Patrick Schwarzene­gger. Para sa batang aktres, ang Twitter ang pinakamaga­ndang paraan upang makausap niya ang kanyang fans. “Sometimes I feel like I can actually, like, really have a conversati­on with someone a bit more on Bella Twitter. And sometimes people are a little bit nicer on Twitter than some random trolls on Instagram.” Ginamit din ni Thorne ang social media site upang ibunyag ang kanyang pinakainga­tang lihim. Noong Disyembre, ibinunyag niya sa Twitter na minolestiy­a siya noong bata pa. Ngunit sinabi ng aktres na ang pag- amin tungkol sa kanyang nakaraan ay isang paraan ng paghilom. “I feel like I’m more comfortabl­e with things after you just talk about them, regularly talk about them and just get comfortabl­e with them. It feels a little bit better.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines