Balita

PAGDILA SA APOY

Ika-101 labas

- R.V. VILLANUEVA

MAY nakatebol si Princess na medyo may edad nang lalaki. Propesor daw sa university. Magalang nga. Kung may gagawin sa kanya, hindi basta nangangaha­s. Humihiling. Humiling yakap, pinagbigya­n niya. Humiling ng kiss, pinagbigya­n niya. Humiling ng hipo, okey din sa kanya.

Hihipu-hipo. Hinimas-himas. Pagkuwan, tumigil ang kabuuan ng palad sa ibabaw. May katagalan doon. Tapos narinig niya ang mga buntong hininga. Tapos, napahingal.

“Bakit? Fermin? May dinaramdam ka ba? Maysakit ka ba?”

Matagal bago sumagot ang lalaki. At malayo ang sagot sa tanong. “Salamat, Princess.”

Hindi niya itinanong kung ano ang pinasasala­matan.

Matagal bago nila naubos ang kanikanila­ng iniinom. Tatlong boteng beer ang ininom ng lalaki at apat na boteng orange siya.

Ang siste ay nang paalis na ang lalaki at mag-abot ng tip sa kanya. Ang tagal na hawak ang kung magkanong perang papel na hindi maiabot sa kanya kaagad.

“Pasen’sya ka na, ‘Neng. Hindi pa kasi ako nagsusuwel­do. Next time na lang, pagbalik ko.”

Ang tip ay isang daang piso. Pero

sa halip magalit, napatawa na lang si Princess. Isang daang piso! Sa mga club ang isang daang piso ay ni hindi pambili ng kendi.

Dito kay Efren Caballero ang ikatlong tebol niya. At dahil sa magandang impormasyo­n natanggap na niya, baka suwertehin na siya sa pagkakatao­ng ito.

“Tawagin mo na lang akong Efren at tatawagin na lang kitang Princess. Ano ang gusto mong inumin, Princess?” Pagupo niya sa mesa ng lalaki ay tanong kaagad sa kanya.

Ang tebolan ay isang may kalakihang silid. Iilan ang mesa roon na hiwa-hiwalay pa. mas malabo ang ilaw doon kaysa sa talagang bulwagang inuman. May mga kutina ang mga mesa na kung gusto mo talagang pribado, puwede mong ibaba ang kurtina. Kung partner kayong nagkakasun­do, puwede mong magawa ang lahat. Lahat!

“Mas maganda ka pala, Princess, kung ganitong malapitan.”

Talagang magkalapit sila. Maliit ang kuwadradon­g mesang patungan ng kanilang kakainin o iinumin. Kung magkaibayo sila, mag-aabot ang mga tuhod nila sa ilalim ng mesa. Pero pinipili ng mga partners na magkatabi sila o kaya ay tig-isa ng gilid ng table.

“Kung tinatanaw kita kung nagsasayaw ka, maganda ka na. Pero mas maganda ka pa rin kung malapitan.”

Ang karaniwang lady’s drink ay mga juices: orange, pineapple, kalamansi, guyubano o kung anoano pang katas ng prutas. Mayroon ding mga alak na sadyang pambabae. Kung minsan, ang inooder ng babae bilang lady’s drink ay kung ano na lang ang iniinom ng lalaki.

Karaniwan na sa mga tumetebol na lalaki, sinusuri kung malakas uminom ng lady’s drink ang babae. Pag magastos ang babae, alin sa dalawa: hihingi ng bagong katebol ang lalaki o kaya ay tatapusin na lang ang pagkaraan ng ilang bote.

Hindi biro ang presyo ng mga lady’s drink. Kahit na karaniwang beer lang tulad ng iniinom ng mga lalaki, pag iyon ang inorder ng babae nilang lady’s drink, halos triple o baka hanggang limang beses ang halaga niyon sa ordinary. Iyon ay dahil sa lady’s drink kumukuha ng komsiyon ang hospitalit­y girl. Kung galante ang lalaki, bukod sa nakunsumon­g lady’s drik, nagbibigay ito ng malaking tip sa kapartner na babae.

Taka si Princess. Matagal-tagal na itong katebol niya at marami-rami na siyang nakukunsum­ong lady’s drink (mamahaling alak na pambabae ang inorder para sa kanya ni Efren), wala pa itong ginagawa. Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines