Balita

Ateneo, tuhog sa FEU Tams

Mga laro ngayon (Filoil Flying V Center ) 8 am La Salle vs. NU (M) 10 am UE vs. UST (M) 2 am Adamson vs. UE (W) 4 am La Salle vs. FEU (W)

- Marivic Awitan

SA ikalawang pagkakatao­n ngayong season, pinataob ng Far Eastern University ang reigning men’s champion Ateneo de Manila, 25- 27, 25- 26, 2520, 21- 25, 16- 14 kahapon sa second round ng UAAP Season 80 volleyball tournament sa Fil Oil Flying V Center.

Nakakalama­ng na ng dalawa, 11- 9 sa decider set ang Blue Eagles nang magtala ng limang sunod na puntos ang Tamaraws sa pangunguna nina skipper Richard Solis at RJ Paler upang makuha ang unang matchpoint, 14- 11.

Subalit binigyan pa nila ng tsansa na tumabla ang Blue Eagles dahil sa tatlong sunod na unforced errors bago kinuha ang ikalawang matchpoint sa pamamagita­n ng isang kill mula kay Reynold Bautista bago tuluyang sinelyuhan ni Solis ang panalo sa pamamagita­n ng isang backline hit.

Dahil sa panalo, umangat ang Tamaraws sa markang 7- 2, isang panalo ang pagkakaiwa­n sa kanilang biktima na bumaba sa ikalawang puwesto kasunod ng solong lider na ngayong National University ( 8- 1) hawak ang markang 8- 2.

Pinangunah­an ni Paler ang nasabing panalo sa ipinoste nitong 17- puntos na kinabibila­ngan ng 13 hits at 4 na blocks.

Nabalewala din ng nasabing panalo ang season high 39- puntos ni reigning MVP Marck Espejo.

Sa unang laban, binawian ng Adamson ang first round tormentor University of the Philippine­s matapos nitong gapiin ang huli, 29- 27, 28- 26, 25- 10.

Dahil sa tagumpay na pinangunah­an ni Royce Bello na umiskor ng 17puntos, tumaas ang Falcons sa barahang 4- 6 at lumakas ang tsansang umabot ng Final Four round.

Bumaba naman ang Fighting Maroons sa kartadang 3- 6.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines