Balita

60,000 jeepney drivers sali sa strike

- Mary Ann Santiago

Magsasagaw­a ngayon ng malawakang transport strike ang isang transport group upang iparamdam sa pamahalaan ang kanilang pagtutol sa jeepney modernizat­ion program.

Pangunguna­han ng Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ang protestang inaasahang sasalihan ng tinatayang 60,000 jeepney driver.

Kabilang sa mga lugar na inaasahang mapaparali­sa ng tigilpasad­a ang Laguna, Cavite, Rizal, Bulacan, Batangas at Northern Mindanao.

Paniniyak naman ni PISTON leader George San Mateo, magiging sentro ng kanilang transport holiday ang ilang lugar sa Metro Manila, kabilang ang Novaliches at Cubao sa Quezon City, Monumento sa Caloocan City, Alabang sa Muntinlupa City, at Anda Circle sa Maynila.

Inaasahan ding maapektuha­n ng kilos-protesta ang San Mateo sa Rizal.

Iginiit ng PISTON na hindi ito sumasang- ayon sa public utility vehicle (PUV) modernizat­ion program ng pamahalaan na magreresul­ta sa phase-out ng mga lumang jeepney, na sinimulan nang ipatupad noong Enero.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines