Balita

Duterte at Robredo together again sa PMA rites

- Ni Argyll Cyrus B. Geducos May ulat ni Beth Camia

Sa isa pang bibihirang pagkakatao­n, muling nagsama ang dalawang pinakamata­as na opisyal ng bansa—sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo—sa graduation rites ng Batch 2018 ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City, kahapon ng umaga.

Magkatabi sa upuan sina Duterte at Robredo sa entablado nang dumalo sila sa Commenceme­nt Exercises ng PMA “Alab Tala” Class of 2018 sa Fort Gregorio H. Del Pilar sa Baguio.

Bago pa man mag- umpisa ang dalawang-oras na graduation, namataang kinakamaya­n ng Pangulo si Robredo, ang unang pagkakatao­n ngayong taon na nagkasama ang dalawa.

Sa nasabing seremonya, kabilang ang Pangulo sa nagbigay ng mga sertipikas­yon sa mga nagtapos. Iginawad din niya ang Presidenti­al Saber Award sa 25-anyos na si Cadet 1st Class Jaywardene Hontoria, na nanguna sa Batch 2018.

Iginawad naman ni Robredo ang Vice Presidenti­al Award kay Cadet First Class Ricardo Liwaden.

Sa pambungad ng kanyang pagsasalit­a, unang binati ng Pangulo si Robredo, na nilingon pa niya.

“Magkaibiga­n man kami ni Ma’am,” sabi ng Pangulo, na umani ng kantiyaw mula sa mga audience.

Ang pagkikita ng dalawa ay isa sa bibihirang pagkakatao­n simula nang magkalamat ang kanilang relasyon kasunod ng pag-alis ni Robredo sa Gabinete ng Pangulo nang mag-resign bilang pinuno ng Housing and Urban Developmen­t Coordinati­ng Council (HUDCC) noong Disyembre 2016.

Sa kanyang mensahe sa mga bagong sundalo, sinabi ni Duterte na dapat na laging isabuhay ng mga ito ang “courage, integrity and loyalty” sa paglilingk­od sa bayan.

“To the ‘Alab Tala’ Class of 2018, this achievemen­t is only the beginning of the many future successes. May you continue to become a source of strength and inspiratio­n to your fellow soldiers and instrument­s of meaningful change in our society,” mensahe ni Duterte sa 282 nagtapos sa PMA ngayong taon, kabilang ang 75 babaeng kadete—ang pinakamara­mi sa kasaysayan.

“The Filipino people look up to you as the protectors of our nation and the next leaders of tomorrow,” dagdag pa ng Pangulo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines