Balita

Tren ng MRT, nadagdagan na

- Mary Ann Santiago

Unti-unting nadadagdag­an ang mga bumibiyahe­ng tren ng Metro Rail Transit (MRT)-3, na indikasyon­g bumubuti na ang serbisyo nito.

Sa abiso ng Department of Transporta­tion ( DOTr), nakapagdep­loy na ang MRT ng 12 tren kahapon ng umaga, dalawang buwan makaraang walong tren lamang nito ang bumiyahe.

Ipinagmala­ki rin ng DOTr na umikli na ang oras sa pagitan ng mga biyahe at oras ng paghihinta­y ng mga pasahero na hanggang pitong minuto na lamang, dahil na rin sa dagdag na tren.

Nilinaw naman ni Aly Narvaez, media relations officer, na dumami ang mga bumibiyahe­ng tren nang mapalitan nila ang mga spare parts nito.

Sa ngayon, aniya, ay nasa 70 porsiyento na ng mga biniling spare parts ang dumating sa bansa at sinisimula­n nang ikabit sa mga tren.

Kumpiyansa naman ang MRT na madadagdag­an pa, at maaaring umabot sa 15, ang bumibiyahe­ng tren ng MRT pagkatapos ng Semana Santa, kung kailan isasailali­m nila ang mga ito sa maintenanc­e.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines