Balita

3 timbog sa cara y cruz, droga

- Kate Louise B. Javier

Tatlong lalaki, kabilang ang isang half-Jamaican, ang inaresto sa akto umano ng pagsusugal at nahulihan pa ng umano’y ilegal na droga sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Jayson Dela Cruz, 32, barker, half-Jamaican; Cesar John Deluta, 27, pintor; at David Banson, 23, tricycle driver, pawang nakatira sa lungsod.

Sa inisyal na pagsisiyas­at ni PO1 Almario Fabito, unang nakatangga­p ng tawag ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-3 mula sa isang residente kaugnay ng ilegal na sugal sa Barangay 176, Bagong Silang, dakong 4:00 ng madaling araw.

Hindi na nagawang pumalag sa mga pulis ang tatlong suspek, na naaktuhan umanong nagsusugal ng cara y cruz, at nang kapkapan ay nakumpiska umano sa mga ito ang tatlong pakete ng hinihinala­ng shabu.

Sa pulisya, inamin umano ng mga suspek na gumagamit sila ng ipinagbaba­wal na gamot subalit mariing itinanggi na sa kanila ang mga narekober na pakete ng shabu’.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines