Balita

‘Kawatan’ dinampot sa Tondo

- Hans Amancio

Kalaboso ang inabot ng isang armadong lalaki, na umano’y nanloob at tumangay ng P4,000 halaga ng gadgets at appliances sa isang bahay sa Tondo sa Maynila, nitong Sabado ng gabi.

Ang suspek ay kinilalang si John Mark de Castro, 24, ng Gate 7 Parola Compound, Tondo.

Sa inisyal na pagsisiyas­at ni PO2 Julius Vincent Libang, batay sa reklamo ni Evelyn Sibug, 52, biglang pumasok sa kanyang bahay ang suspek dakong 11:25 ng gabi.

Kinumpront­a ng ginang ang suspek, na armado umano ng nasa 10- pulgadang haba ng patalim, at nagsisigaw sa paghingi ng tulong sa kanyang mister.

Mabilis na tumakas ang suspek tangay ang isang Mactec Grinder at SKK Lynx Pro cell phone.

Tiyempo namang narinig nina PO1s Allison Bonita at Reynaldo Agulto ang komosyon kaya kaagad na niresponde­han at hinabol nila ang suspek, na sanhi ng pagkakasak­ote sa huli.

Nabawi rin mula sa suspek ang mga ninakaw umano nitong gamit sa kapitbahay ni Sibug na si Angelo Luigi Curado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines