Balita

Nang-agaw ng baril ng pulis, tigok

- Jun Fabon

Kamatayan ang sinapit ng isang lalaki makaraang barilin ng mga pulis matapos umanong mang-agaw ng baril ng pulis at putukan ang security guard ng pagamutang pinagdalha­n sa kanya sa Quezon City, nitong Sabado.

Kinilala ni Quezon City Police District ( QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang nasawi na si Ronald Gallo, 31, ng Taguig City, na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigas­yon ng Criminal Investigat­ion and Detection Unit ( CIDU), nangyari ang insidente sa emergency room ng Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City, dakong 12: 30 ng madaling araw.

Unang nakatangga­p ng report ang QCPD- Station 8, bandang 8:20 ng gabi nitong Biyernes, na isang lalaki sugatan ang binti ang hinahabol ng riding- in- tandem hanggang pumasok sa compound sa Rigor Street sa Barangay Masagana, Project 4.

Sa pagrespond­e ng mga pulis, dinala si Gallo sa naturang pagamutan pero pagdating sa ospital ay nakipagtal­o umano ang suspek sa mga hospital staff.

Sa gitna ng pakikipagt­alo ng suspek, bigla umano nitong inagaw ang baril ng kinilalang si PO1 Macaraeg, at pinutukan ito bagamat masuwerten­g nasa safety mode ang armas.

Tumakbo ang suspek sa ikalawang palapag ng DOHMIMAROP­A Building at nagpaputok muli, na minalas na tamaan sa paa ang guwardiyan­g si Rolito Samosino, kaya napilitang gumanti ng putok ang mga pulis at napatay si Gallo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines