Balita

MILF member binaril dedo

- Fer Taboy

Isang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasawi matapos itong pagbabaril­in sa isang videoke bar ng mga hindi nakikilala­ng lalaki sa North Cotabato nitong Sabado ng gabi.

Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Hashim Guiamelon Kamanso, 31, ng Barangay Talitay, Pikit, North Cotabato at kaanib ng 118th Base Command ng MILF.

Sa imbestigas­yon Chief Insp. Romy Castanares, nakaupo lamang ang biktima sa loob ng isang videoke house sa public market nang pagbabaril­in ito ng dalawang hindi kilalang suspek.

Hindi na isinugod sa ospital ang biktima na namatay kaagad sa pinangyari­han ng insidente dahil sa tama ng bala sa ulo at likod. Tumakas kaagad ang mga suspek lulan ng isang motorsiklo patungo sa liblib na lugar. Ayon sa pulisya, posibleng rido o gantihan ng mga angkan, ang motibo sa pamamaslan­g.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines