Balita

2 graduating students, nalunod

- Light A. Nolasco

GAPAN CITY, Nueva Ecija - Dalawa sa tatlong graduating students ang nalunod habang inoobserba­han pa sa ospital ang kasama nila makaraang magsipalig­o sila sa Gapan-Penaranda River nitong Biyernes ng tanghali.

Kinilala ng pulisya ang dalawang nasawi sa pagkalunod na sina Rica Mae Santiago, 15, ng Barangay San

Lorenzo, Gapan City; Melanie Dawaton y Gamboa, 12, ng Bgy. Bayanihan; habang nasa ICU ng ospital si Rachel Mae Balingit y Yumol, 13, ng Bgy. San Lorenzo.

Ang tatlong dalagita ay pawang graduating students ng South Elementary School, na ayon sa ulat ay hindi pumasok sa klase at nagkayayaa­ng maligo sa ilog.

Dakong 7:40 ng gabi nang makatangga­p ng tawag sa telepono ang pulisya tungkol sa pagkalunod ng mga estudyante, at dakong 9:00 na ng gabi nang marekober ang labi ng dalawa sa kanila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines