Balita

1,411 summer jobs alok sa ARMM

- Ali G. Macabalang

COTABATO CITY – Nagaalok ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ng 1,411 summer jobs para sa mga estudyante at out-of-school youth (OSY) sa rehiyon.

Ayon kay DoLE-ARMM Secretary Muslimin Jakilan, ang programa ay para sa lahat ng kuwalipika­dong estudyante sa high school, kolehiyo o vocational course, at sa mga OSY sa mga lugar na saklaw ng Health, Education, Livelihood, Peace and Governance, and Synergy (HELPS) program ng ARMM, na sumasaklaw sa 553 barangay.

Nagsimula na ang pagpapareh­istro para sa summer job at magtatapos ito sa huling linggo ng Marso. Magsisipag­trabaho ang mga estudyante sa loob ng 25 araw.

Bitbit ang sbirth certificat­e, barangay clearance, Form 138, o class card, certificat­e of good moral character, at income tax return ng mga magulang, ang mga aplikante ay maaaring magparehis­tro sa tanggapan ng DoLEARMM sa ARMM Compound sa Cotabato City, o sa mga DoLE field office sa Lanao del Sur, Maguindana­o, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi, at sa mga siyudad ng Marawi at Lamitan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines