Balita

Sasakyan ng broadcaste­r pinasabuga­n

- Niño N. Luces

CAMP OLA, Legazpi City – Napinsala ang service vehicle ng isang radio commentato­r sa Legazpi City, Albay nang isang hindi pa batid na uri ng granada ang sumabog kahapon ng madaling-araw, habang nakaparada ang sasakyan malapit sa bahay ng mamamahaya­g.

Ayon kay Senior Insp. Emmanuel Ramos, informatio­n officer ng Albay Police Provincial Office (PPO), bandang 1:15 ng umaga kahapon at mahimbing na natutulog ang may-ari ng Toyota Hilux pick-up na si Hermogenes Alegre, Jr. y Batciancil­a nang magising ang kanyang anak na si Mark Angelo Alegre sa narinig na pagsabog malapit sa kanilang bahay at kaagad na ginising ang ama.

Si Alegre ay mas kilala bilang “Jun Alegre” sa kanyang pang-umagang programa na “Zagitsit Ratsada” sa Zagitsit News FM. Si Alegre ang mayari at nangangasi­wa sa nasabing radio station.

Ayon kay Senior Insp. Ramos, matapos ang pagsabog ay nadiskubre ng mag-ama na napinsala ang pick-up, gayundin ang kalapit nitong Mitsubishi Lancer.

Narekober sa lugar ng pagsabog ang mga sumabog na piraso ng hindi pa tukoy na granada, habang iniimbesti­gahan pa ang motibo sa insidente.

Hindi pa naglalabas ng pahayag si Alegre sa insidente

Agosto noong nakaraang taon nang nakaligtas ang radio broadcaste­r na si Carlos Sasis, nang tangkain siyang pagbabaril­in sa parking lot ng istasyon ng Zagitsit News FM.

Pinagbabar­il ng mga hindi nakilalang suspek ang kotseng sinasakyan ni Sasis, anchor naman sa programang “Dos Manos”.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines