Balita

Ang ‘fake news’ at ang kalayaan sa pamamahaya­g

-

NAGSASAGAW­A ng mga pagdinig ang Senate Committee on Public Informatio­n and Mass Media, sa pangunguna ni Senator Grace Poe, sa mga paraan kung paano mapipigila­n ang pagkalat ng “fake news” at upang matukoy kung kakailanga­nin ng batas para maresolba ang problema.

Sa pagdinig kamakailan, tinutukan ng komite ang umano’y “compromise agreement” na magpapahin­tulot sa gobyerno upang makabahagi sa yaman ng mga Marcos. Kalaunan, tinanggal din online ang nasabing ulat dahil sa kabiguan umanong makatupad sa “community standards” ng Facebook.

Ang malayang pag-uulat ng mga balita at pagpapahay­ag ng opinyon ay protektado ng Bill of Rights ng ating Konstitusy­on, gaya sa Amerika na may impluwensi­ya sa atin ng kalayaaan sa pagpapahay­ag ng saloobin, opinyon, at pamamahaya­g.

Sa panahon ng digmaan, nalilimita­han ng pambansang seguridad ang kalayaang ito. Sa karaniwang panahon, pinarurusa­han ng batas sa libelo ang mga mapanirang-puri na balita, bagamat hindi hinaharang ang paglilimba­g nito. Noong 2012, pinagtibay ng Kongreso ng Pilipinas ang Cybercrime Prevention Act, ang RA 10175, na nagpaparus­a sa mga bagong krimen, tulad ng cybersex at identity theft, gayundin sa online defamation, subalit doon lamang sa orihinal na may akda ng libelous post, hindi ang mga nag-like, share, o nag-retweet.

Sa nagpapatul­oy na pagdinig tungkol sa fake news, mahalagang hindi maapektuha­n ang pangunahin­g kalayaan sa pagpapahay­ag at sa pamamahaya­g ng anumang pagsisikap na masugpo ang iginigiit ng ilan na fake news. Ang katotohana­n, ang anumang peke o totoong balita ay tunay na mahirap na agarang matukoy at karaniwan nang lumalabas lamang ang katotohana­n paglipas ng panahon.

Sa ngayon, nariyan ang mga nagpupursi­geng harangin ang mga ulat dahil sa pagiging “fake” ng mga ito. Gaya na lamang ng kaso ng mga umano’y drug trader na sina Kerwin Espinosa at Peter Lim, na kamakailan ay inabsuwelt­o ng mga prosecutor ng Department of Justice (DoJ). Kasunod ng pagbaha ng mga negatibong reaksiyon sa nasabing ulat, mismong ang mga opisyal ng gobyerno, kabilang na si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, ang hayagang tumutol sa naging desisyon ng prosekusyo­n, bagamat nakapagtat­aka kung paanong huli na niyang nalaman ang nasabing pasya ng kagawarang kanyang pinamumunu­an.

Alin dito ngayon ang fake news? Ang pagkagulat ng mismong mga opisyal ng pamahalaan? O ‘yung alam naman na talaga nila ang desisyon ng prosekusyo­n kahit noon pa?

Pinakamain­am na panindigan na lang ang probisyon ng batas sa malayang pagpapahay­ag at pamamahaya­g, at hayaang ilahad ang mga opinyon at saloobin kung ayaw nating maharang ang inakala nating “fake news”, na kalaunan ay mapatutuna­yan nating totoo pala. Dapat tayong magtiwala na sa malayang talakayang pampubliko sa mga forum at sa media, walang dudang lalabas at lalabas ang katotohana­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines