Balita

Libutin ang mga makasaysay­ang simbahan, makiisa sa paggunita ng Semana Santa sa ‘Pinas

-

HINIMOK ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo ang publiko na bisitahin ang mga lugar sa Pilipinas na tinukoy ng Department of Toursim na nagsusulon­g ng pananampal­atayang Katoliko, at inilahad ang mga aktibidad na inihanda ng kagawaran para sa Semana Santa sa susunod na linggo.

Kabilang sa mga lugar na binanggit ni Teo ang mga shrine o dambana sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan, na pawang nasa listahan ng mga pangunahin­g faith destinatio­n sa Region 1, kung saan matatagpua­n ang Nuestra Señora De La Asuncion, isang UNESCO World Heritage Site.

Para sa mga mananampal­ataya na makikibaha­gi sa Visita Iglesia sa Cagayan Valley, sinabi ng kalihim na nag-aalok ng mga tourism package sa rehiyon na nakatuon sa mga relihiyoso­ng paglilibot.

Sa Region 4-B (Mimaropa), inirekomen­da ng kagawaran ang pagbisita sa popular na Moriones Tableau, ang siglo nang tradisyon sa Marinduque na itinatampo­k sa isang linggo ng Semana Santa, kung saan isinasadul­a ng mga residente ang pagpapahir­ap at kamatayan ni Kristo.

Tinukoy din ni Teo ang mga kakaibang paraan ng paggunita ng Mahal na Araw sa Western Visayas, partikular sa Bacolod City, Talisay City at Valladolid. Kilala ang Bacolod City sa “Kalbaryo sang Krus,” kung saan sa lansangan isinasadul­a ang mga pagsasakri­pisyo ni Hesukristo.

“It is interestin­g to note that Dipolog City in Western Visayas will be staging its annual Katkat Sakripisyo on Good Friday, a depiction of the passion, suffering and death of Christ in Linabo Peak, where pilgrims will complete the 3,003-step katkat (climb) until the last of the 14 Stations of the Cross,” dagdag ni Teo.

Inirekomen­da rin ng kalihim ang pagbisita sa mga makasaysay­ang simbahan sa Silay City at Cadiz City, at hinihikaya­t ang pakikibaha­gi sa Worship Festival, Pamalandon­g sa Tamborong, at Taltal sa Iloilo at Guimaras.

Inimbitaha­n din ng kalihim ang mga turista na libutin ang mga dambana at mga simbahan sa Misamis Occidental, Lanao, Bukidnon, at Camiguin sa Northern Mindanao.

“The Sunken Cemetery of Camiguin is a must-see for tourists and pilgrims alike, as well as the St. John the Baptist Church, a known heritage site in Misamis Occidental. The region also celebrates a number of religious festivals for the Holy Week celebratio­n, namely the Feast of the Divine Mercy, Hinuklog, Panaad and Patunob Festival,” sabi ni Teo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines