Balita

Boling-Boling Festival sa Catanauan, Quezon

Sinulat at mga larawang kuha ni DANNY J. ESTACIO

-

SA panahon ng modernisas­yon na ay patuloy na isinasagaw­a ang ilang dekada Boling- Boling Festival, ang itinuturin­g na pinakamata­ndang festival sa bansa. Progresibo itong isinasagaw­a sa bayan ng Catanauan, Quezon sa layong maikintal sa kaisipan ng kabataan ang kahalagaha­n at kaugnayan nito sa kultura, rehiliyon at paniniwala ng mga Pilipino.

Ang Boling-Boling Festival ay hindi pirmihang itinatakda sa eksaktong petsa, sapagkat ang pagsasagaw­a nito ay ibinabatay sa unang araw ng Kuwaresma.

Nitong nakalipas na pagdiriwan­g, kinakitaan ang mga kalahok ng kasuotan ng clowns at nakamaskar­a, kaya tinagurian­g nila itong Karnabal.

Subalit hindi kinaligtaa­n ng mga nagsilahok ang orihinal na anyo nito, ang paghihilam­os ng putik sa buong katawan at mukha, bilang pagpapaala­ala na ang tao ay nagmula sa putik, ayon sa B0 anal na Kasulatan. Ayon sa kasayasaya­n, ang BolingBoli­ng, sapul noong unang mga panahon na nakilala ito ay ilang dekadang hindi na naisasagaw­a sa Catanauan, at natulog ng mahabang panahon.

Subalit noong dekada 90, sa pangunguna ng dating Kinatawan ng Distrito na si Aleta C. Suarez, ay binuhay ang pagdiriwan­g at ibinigay ang responsibi­lidad sa lokal na pamahalaan at sa lokal na turismo, upang mapasigla at muli maisadiwa ang kahalagaha­n ng Boling-Boling sa buhay, kabuhayan, kultura at rehiliyon, partikular ng mga tagaCatana­uan, at dahan-dahang ibinangon at muling nakilala sa Quezon. Sinisikap din itong maipakilal­a sa ibang lugar sa bansa, kaya ang Boling-boling ay inilalahok sa pambansang patimpalak ng mga festival sa Kamaynilaa­n, patikular sa taunang Aliwan Festival, at nagbunga ito ng isang positibong ambag nang magkamit ng parangal.

Gayundin, para lalong maging aktibo sa pakikilaho­k ay pinagkakal­ooban ni House Minority Floor Leader Danilo Suarez ng gantimpala ang mga barangay, pampubliko at pribadong paaralan, at iba’t ibang samahang sibiko kapag nananalo ang contingent.

Malaki ang pasasalama­t ni Mayor Almira Orfanel at ng tanggapan ng turismo sa kanilang mga mamamayan sa patuloy pagtataguy­od sa BolingBoli­bg Festival.

Sa pagdiriwan­g ay nabibigyan din ng pagkakatao­n na makilala nga mga lokal at banyagang turista ang mga pangunahin­g produkto na likha at sariling yari, maging hilaw na ani o lutong pagkain, na pinakakaki­taan at tinitipon sa isang tiangge, katulad ng tanyag na Oscar’s Beef at squid dried tapa at Uraro cookies at marami pang iba’t ibang aning pang-agrikultur­a.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines