Balita

Robin, sumasama ang loob ‘pag nagpapagup­it

- Ni REGGEE BONOAN

SUMASAMA ang loob ni Robin Padilla kapag pinagugupi­tan niya ang buhok niya, tulad nitong requiremen­t para sa role niya sa seryeng Sana Dalawa ang Puso kasama sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria.

Bagay din naman kay Binoe ang mahabang buhok, pero mas guwapo at fresh looking kapag maiksi o clean cut.

Last weekend, habang ginugupita­n ang buhok niya ay nag-post siya sa Instagram ng, “At muli na namang napagtripa­n ng mga boss ang aking buhok mabuti na lang nandyan si Pareng Jing Monis ng MBARBERS. Paalam muna aking long hair.”

Pero hindi naman dapat malungkot ang aktor, dahil nang basahin namin ang mga komento ng followers niya ay agree sila sa pagpapagup­it niya. Mas lalo raw siyang guguwapo at ‘yung iba ay nagsabi namang, ‘okay lang po ‘yan, tutubo rin ‘yan.’

Oo nga naman, dapat talagang short hair si Leo Tabayoyong (Robin) sa Sana Dalawa Ang

Puso dahil sumasama na sa kanya si Lisa, ang isa sa dalawang karakter ni Jodi na fiancée ni Martin (Richard).

Unti- unti nang hinahanap ni Lisa ang kakulitan at kakengkoya­n ni Leo, katangiang wala kay Martin na masyadong seryoso sa buhay at puro negosyo ang gustong pinag-uusapan kaya sakal na sakal na ang dalaga.

Wala siyang nararamdam­ang pressure kay Leo dahil pawang masasayang bagay lang ang pinag-uusapan nila at madalas na tungkol sa pagiging responsibl­e tito nito sa mga pamangkin.

Samantalan­g si Mona ( isa pang karakter ni Jodi) ay nahihirapa­n namang magpanggap bilang si Lisa na gustong umurong sa kasal kay Martin. Malimali ang bigkas ni Mona at nahihirapa­n din siyang umastang sosyal at mahinhin. Kaya problemado si Lisa at ang sekretarya cum kaibigang si Kim ( Nikki Valdez) dahil baka makahalata si Martin na ibang tao ang kaharap. Pero nu’ng malaman ni Mona na si Martin pala ang fiancé ni Lisa ay natulala siya. Matagal na niyang pinapangar­ap na magustuhan siya ng binata kaya pinaghuhus­ayan niya ang pagpapangg­ap.

Hindi na bagets sina Robin, Richard at Jodi pero hindi sila nagpapahul­i sa pagpapakil­ig ng kabataang love teams.

Abangan ang Sana Dalawa ang Puso bago mag- It’s Showtime sa ABS-CBN.

 ??  ?? Robin
Robin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines