Balita

Relasyong JaDine, conservati­ve o daring?

- Ni REGGEE BONOAN

HINDI maitatagon­g level-up na ang pelikulang Never Not To Love You nina James Reid at Nadine Lustre. Ibig sabihin, hindi na sila basta magka-love team na magpapakil­ig at magpapa-cute tulad noon sina Clark at Lea pa ang ginagampan­an nila sa seryeng On The Wings

of Love ( OTWOL). Sa trailer ng Never Not To Love You na idinirehe ni Antoinette Jadaone, magkarelas­yong nagsasama na sa isang bahay ang ginagampan­an nila

Sa OTWOL, bagamat ikinasal sila ay iyon ang ending ng serye mula sa pagiging magkasinta­han ng mga karakter nila.

Inamin ni James sa presscon ng latest movie nila sa Fisher Mall nitong Sabado na, “I think it’s time to take it to the next level, they used to see typical rom-com. We wanna do something different, something more daring, I guess.”

“Something that’s more real, something that’s more raw or more true to life for us,” dagdag ni Nadine. “And I believe din po kasi na ‘yung mga generation now, they’re also starting to more open about a lot of things or they’re starting to embrace on what’s happening now and kung ano ‘yung mga bago. Fearless na po kasi sila ngayon, mas totoo!”

Dahil sa mga sagot na ito ng JaDine, ipinalaraw­an sa kanila ang relasyon ng millennial­s.

“I guess, it depends po sa tao. Ang relationsh­ip naman po kasi parang ano ‘yan per couple na may sari-sarili silang choices,” sabi ng aktres.

Ano ang relasyon ng JaDine, konserbati­bo o daring?

“In our case, our relationsh­ip is very openminded, we’re open to new things,” say ni Nadine.

Kanya-kanya ba sila ng bayad sa bills ‘pag lumalabas o nagdi-date?

“We don’t mind really about the bills, it doesn’t really matters to the both of us,” ani Nadine.

Dahil open-minded nga sila sa relasyon nila, natanong ang dalawa kung importante ang sex sa relasyon na hindi agad nila nasagot at halatang napaisip si Nadine.

“I think that’s kinda sensitive question, sorry po. I’d rather not answer,” nakangitin­g sagot ng dalaga. Napatawa si James sabay sabing, “Passed!” Sa mall show ng JaDine sa Fisher Mall binanggit ng aktor na marami silang kissing scenes kaya naghiyawan ang supporters nilang dumalo. Naniniwala ang Viva Films na tanggap na ang dalawa sa mga karakter na ginampanan nila.

Curious kami kung ano ang ibang ipapakita ng JaDine sa Never Not To Love You at kung ano pa ang bago sa kuwento ni Direk Antoinette Jadaone na siya ring sumulat ng script.

Mapapanood na ang Never Not To Love You sa Marso 31, Black Saturday. Co-produced ito ng Viva Films at nina Direk Tonette at Direk Dan Villegas.

 ??  ?? James
James
 ??  ?? Nadine
Nadine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines