Balita

LizQuen, mana kina Matteo at Sarah

- --Mercy Lejarde

NAGKAROON ng aminan sa dalawang presscon na dinaluhan namin last week. Una sa Bagani, nang tanungin ni Yours Truly sina Enrique Gil at Liza Soberano kung nababagaba­g ba ang kanilang puso kapag hindi sila nagkikita o nagkakausa­p sa isang araw.

Pinalipas ni Enrique ang tilian much ng LizQuen fanatics na nasa loob ng Dolphy Theater bago sumagot.

“Nagtatawag­an naman po kami at nasanay na kami ni Liza na parating magkasama at kapag may oras na hindi kami magkasama siyempre po nami-miss ko siya agad,” pagamin ng binata.

“Kapag hindi po kami magkasama ay nagvi-video call kami,” sey naman ni Liza. “Nasanay na po kami na parating magkasama. ‘Pag umabot po kami na one day na hindi nagkakausa­p bumabawi naman siya at pinupuntah­an niya ako sa bahay para magdinner.”

Naku, tilian at kilig much pa more ang LizQuen fanatics na halos ikagiba ng Dolphy Theater, in pernes, ha!

Hirit na tanong uli ni Yours Truly, so the feeling is mutual?”

“Very,” maikling sagot ni Enrique na tipong love radiates in his eyes with matching broadway smile na ikinakilig na naman ng LizQuen fanatics.

“Dapat lang po,” may kilig factor na sagot naman ni Liza. Humirit din ang isa sa co-stars nila sa

Bagani na si Matteo Gudicelli. “‘Pag hindi po sila nagkikita o nagkakasam­a nabubuwang sila.”

Hirit agad ni Yours Truly... “Parang ikaw kay Sarah G?”

Hayun, siya tuloy ang kinantiyaw­an ng co-stars niya na kasama niya sa stage kaya namula at umiwas-pusoy na lang siya. ‘Yun na!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines