Balita

Jak at Barbie, relasyon na walang away

- Ni NORA CALDERON

PARA kay Jak Roberto, malaking break ang pagiging leading man ni Glaiza de Castro sa

Contessa na pilot episode na mamayang hapon sa GMA- 7. Gagampanan ni Jak ang role ni Jong Generoso, most reliable friend ni Bea (Glaiza) na secretly in love sa kaibigan at dasal niyang mahalin din siya nito.

Meant To Be ang last teleserye ni Jak, na isa siya sa four leading men ni

Barbie Forteza, na after ng rom-com series ay naging girlfriend niya.

Pabirong sabi ni Jak, una niyang niligawan ang parents ni Barbie. Kumusta naman sila ng dalaga?

“Pareho po kaming busy ngayon ni Barbie dahil may ginawa siyang movie at ilang weeks siyang nasa Cebu para sa taping nila ng Inday Will Always Love You ni Derrick

Monasterio,” sagot ni Jak. “Umalis muna ako muli sa Dear Uge dahil sabay sa taping namin ng Contessa ang taping nila, gusto ko pong mag-focus dito sa teleserye namin.

“Personally, masaya po kami lagi ni Barbie, hindi pa kami nag- aaway, kahit tampuhan wala, hindi siya selosa, very supportive niya sa work ko, maalaga siya sa akin, kaya naman very protective din ako sa kanya.

“Minsan feeling ko nga abnormal ang relasyon namin, pero hindi, sobrang bait lang talaga ni Barbie. And since may Holy Week break ang taping namin, at matagal nga kaming hindi nagkasama ni Barbie dahil sa work namin, ngayong Holy Week, sa Coron, Palawan po kami pupunta, kasama ng family niya at kasama ko ang sister kong si Sanya and some friends.”

Directed by Albert Langitan, ang Contessa ay mapapanood Mondays to Saturdays, after ng Eat Bulaga.

 ??  ?? Jak at Barbie
Jak at Barbie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines