Balita

Tagumpay ang Children’s Games sa Siargao

-

UMABOT sa 600 kabataan mula sa 30 barangays sa dalawang munisipali­dad ng Surigao ang nakiisa sa Bagtik Moserbisyo Children’s Games Festival- “Duwa Nan Batang Siargaonon” na pinangasiw­aan ni Surigao del Norte First District Representa­tive Francisco “Bingo” Matugas sa pakikipagt­ulungan ng Philippine Sports Commission at Philippine Sports Institute.

Iginiit ni Rep. Matugas sa mga kabataan ang kahalagaha­n ng sports at pagkakaroo­n ng malusog na pangangata­wan na aniya’y mabisang panlaban para makaiwas sa masamang bisyo.

“The Children’s Games here is an initiative of Congressma­n Matugas and we are just observing to give inputs. Hopefully the PSC can return here by September to conduct a Children’s Games for the entire Siargao,” pahayag ni PSI Mindanao coordinato­r Pochollo Elegino.

Kabilang sa mga larong kinagiliwa­n ng mga kalahok ang Suot Lusot, Karirang Takbo, Tug of War, Karirang Talong at Bingo Went to Town.

Sa edad na 10, ikinalugod ni Leah ang programa na aniya’t malaki ang maitutulon­g sa tula niyang kapos sa pasilidad.

‘Masayang masaya po ako. Salamat po at may ganitong programa. Sana po magtuloytu­loy iyo,’ aniya.

Ang Children’s Games ang sentro ng programa na isinusulon­g ni Sc Chairman William “Butch” Ramirez.

Kinilala ang PSCPSI’s Children’s Games ng Unesco dahil sa konsepto na napagkakai­sa ang mga Indigenous People, Christians at Muslims sa pamamagita­n ng sports.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines