Balita

NU Bulldogs, angat sa La Salle Spikers

- Marivic Awitan

Mga Laro sa Miyerkules (Filoil Flying V Center) 8 a.m. UP vs. FEU (M) 10 a.m. La Salle vs. UE (M) 2 p.m. UE vs. Ateneo (W) 4 p.m. NU vs. Adamson (W)

MULING pinadapa ng National University ang De La Salle University, 26-24, 1925, 25-20, 28-26 upang pormal na umusad sa men’s Final Four round ng UAAP Season 80 volleyball tournament kahaoon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Pinangunah­an ni Bryan Bagunas ang nasabing 6th straight na semifinals appearance ng Bulldogs matapos magtala ng 28-puntos na kinabibila­ngan ng 15 hits, 1 block at 2 aces.

Ang panalo ang ika- 9 ng Bulldogs at ikawalo nilang sunod sa loob ng 10 laro na nagpatatag ng kanilang solong pamumuno.

Apat pang Bulldogs ang umiskor ng double figures para sa naturang panalo na kinabibila­ngan nina Kim Malabunga at James Natividad na kapwa may tig- 14 puntos at sina Fauzi Ismail at Francis Saura na may 13 at 11 puntos ayon sa pagkakasun­od. .

Bunga ng kabiguan, nalaglag ang Green Spikers na pinangunah­an nina Raymark Woo at Arjay Onia na kapwa may tig-16 puntos sa ikatlong puwesto taglay ang markang 3-6, panalo-talo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines