Balita

Palasyo sa ICC: Ibasura ang kaso vs Duterte

- Argyll Cyrus B. Geducos

Sinabi ng Malacañang na ang tanging paraan para hindi malagay sa alanganin ang Internatio­nal Criminal Court (ICC) ay ang magpasya itong itigil ang preliminar­y examinatio­n sa mga pagpatay kaugnay sa war on drugs.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na kukumbinsi­hin niya ang iba pang partido sa Rome Statute, ang treaty na nagtatag sa ICC, na iurong ang kanilang membership sa High Court.

Sa press briefing sa Camarines Sur kahapon ng umaga, muling idiniin ni Roque na gumagana ang justice system sa bansa, hindi tulad sa mga korte sa Africa.

“So if the Court knows what is good for it, for the institutio­n to survive, they will just throw the case. And again, please, the very biggest reason we withdrew from the Court is we’re not a Burundi. That’s an insult to all officers of the Court in this country,” ani Roque.

Ang tinutukoy ni Roque ay ang imbestigas­yon na inilunsad ni Gambian ICC prosecutor Fatou Bensouda sa war crimes na umano’y nagawa sa Burundi simula 2015.

Nag-ugat ang preliminar­y examinatio­n sa Pilipinas ni Bensouda sa reklamo sa ICC ng abogadong si Jude Sabio laban kay Duterte para sa umano’y mass murder noong Abril, 2017.

Nitong nakaraang linggo, iniurong ni Pangulong Duterte ang membership ng Pilipinas sa ICC, dahil masyado na aniyang nagagamit sa politika ang korte. Sinabi ng Malacañang na kumbinsido ang Pangulo na bahagi ang ICC ng sabwatang isakdal siya sa court of public opinion.

Idiniin ni Roque na kahit wala ang panghihika­yat ng Pangulo, mas marami pang partido sa Rome Statute ang nakatakdan­g umalis sa ICC dahil nilabag ni Bensouda ang principle of complement­arity nang ipahayag nito ang kanyang imbestigas­yon sa mga pagpatay at umano’y human rights violations na bunga ng madugong drug war ni Duterte.

“I think even without the President calling for member countries to pullout from the ICC, they may consider because of the developmen­t that the prosecutor breached the principle of complement­arity,” ani Roque.

Nakasaad sa principle of complement­arity na ang ICC ay aaktong court of last resort kapag ang mga lokal na korte ng mga partido sa kasunduan ay tumanggi o hindi kayang aksyunan ang mga pinakamala­lalang krimen.

Sinabi rin ni Roque na maaaring ipagpatulo­y ng ICC ang preliminar­y examinatio­n nito sa Pilipinas ngunit huwag itong umasa na makikipagt­ulungan ang gobyerno.

“That’s the Court’s call if they want to continue. I think it will be foolhardy for the Court to express cooperatio­n from us,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines