Balita

Isang buwan makalipas ang Florida shooting

-

ISANG buwan makaraang 17 katao ang mapatay sa pamamaril sa isang eskuwelaha­n sa Parkland, Florida, nagsama-sama sa lansangan sa kani-kanilang bayan at siyudad ang mga estudyante ng nasa 3,000 paaralan sa Amerika nitong Miyerkules upang magdaos ng kilosprote­sta laban sa gun violence sa mga eskuwelaha­n sa Amerika.

Matapos na ratratin at patayin ng isang dating estudyante ang 14 na mag-aaral at tatlong guro sa Marjory Stoneman Douglas High School, muling uminit ang dati nang debate ng mga opisyal ng pamahalaan ng Amerika kung ano ang dapat gawin sa mga insidenten­g kinasasang­kutan ng mga armas na tanging mga sundalo ang gumagamit sa mga bakbakan. Sinabi ni President Donald Trump na ang problema ay may kinalaman sa usapin sa sakit sa pag-iisip. Naglahad siya ng ilang mungkahi, kabilang ang pag-aarmas ng mga guro upang maprotekta­han ang kani-kanilang estudyante. Binanggit din niya ang tungkol sa pagtatakda sa 21 taong gulang para sa pinakabata­ng maaaring bumili ng baril.

Subalit sa lahat ng nakalipas na insidente ng pamamaril sa mga paaralan, lumipas na ang isang buwan nang wala pa ring anumang aksiyon ang Kongreso sa usapin. Pinagtibay ng Kamara de Representa­ntes ang batas na nagpapahin­tulot ng federal grants na nagkakahal­aga ng kabuuang $50 million kada taon upang magkaloob ng ayuda sa mga eskuwelaha­n at sa lokal na pulisya para sa pagsasanay, reporting systems, pagtukoy sa mga banta, pagkakaroo­n ng grupo para sa interventi­on, at ugnayan ng paaralan at pulisya. Subalit walang anumang aksiyon sa limitasyon sa armas; wala rin sa pagbabawal sa bentahan ng matataas na kalibre ng armas sa mga sibilyan; wala rin sa mungkahing limitahan sa mga 21 taong gulang pataas ang bentahan ng baril.

Isinulong ng Florida State Legislatur­e ang panukala nito upang dagdagan ang edad ng pahihintul­utang bumili ng baril at nilagdaan ito ng state governor. Subalit kaagad na kinastigo ng National Rifle Associatio­n — isang makapangya­rihang organisasy­on na tumututol sa anumang pagsisikap upang malimitaha­n ang karapatang magmay-ari ng armas sa Amerika — ang Florida state government.

Nagsagawa ng mga kilos-protesta ang mga estudyante sa iba’t ibang siyudad sa Amerika ngayong linggo, mula sa Los Angeles hanggang sa New York hanggang sa Boston, hanggang sa Washington DC. Kasama nila ang kani-kanilang magulang at guro sa pagpapahay­ag ng kanilang pagkadisma­ya sa pagkamatay ng maraming estudyante sa nakalipas na mga taon at ng kanilang galit sa kawalang aksiyon ng pamahalaan.

Nagprotest­a ang mga estudyante makalipas ang isang buwan bago pa man magdulot ng pagbabago ang Florida massacre sa pananaw ng mga Amerikano sa gun violence at gun control. Subalit malabong kumilos sa ngayon ang US Congress para pagtibayin ang isang batas na magbibigay ng limitasyon sa pagmamay-ari ng baril.

Posibleng magkaroon ng isa pang mass shooting — maaaring tatlo o apat na buwan mula ngayon, kung pagbabatay­an ang mga datos ng mga nakalipas na parehong insidente — at muling magdaraos ng mga protesta at rally. Subalit malabong mangyari ang agarang tunay na pagbabago sa ngayon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines