Balita

Mga ahensiya ng gobyerno tulung-tulong sa ‘national branding’ ng ‘Pinas

-

SINIMULAN na ng Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) ang pakikipagt­ulungan sa lahat ng ahensiya ng gobyerno upang magkaroon ng maayos at pangkalaha­tang national branding upang ipakilala ang Pilipinas sa mundo hindi lang bilang isang tourist destinatio­n kundi bilang tahanan ng edukasyon, kultura, at pamumuhuna­n.

“The national branding of the Philippine­s will serve as center for the entire nation and it is the time that the country will be branded,” sinabi ni PCOO Secretary Martin Andanar sa panayam sa radyo nitong Sabado.

Sinabi ni Andanar na inaprubaha­n ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mungkahi sa national branding matapos itong iprisinta sa huling pagpupulon­g ng Gabinete.

Ipinaliwan­ag ng kalihim na ang bagong kampanya na ipakilala ang Pilipinas sa ibang bansa ay hiwalay sa kampanyang “It’s More Fun in the Philippine­s” ng Department of Tourism (DoT).

“Meaning this (proposed national branding) will not only promote tourism but we will promote our investment, education, our people and everything that we have here in the Philippine­s,” pahayag ni Andanar sa hiwalay na panayam ng DZBB.

Inihayag pa ng kalihim na lahat ng ahensiya ng gobyerno ay magiging bahagi ng malaking proyekto upang makabuo ng national branding na kapareho ng “Australia Unlimited” at “It’s Time for Africa.”

“This is good for our country if it will be pushed through. It is all encompassi­ng because all department­s are members, part of this national branding project,” sabi ni Andanar.

Aniya, masusi siyang nakikipag-ugnayan kay Tourism Secretary Wanda Teo upang makamit ang epektibong national branding material.

“This is the kind of brand that will promote the Philippine­s. But we have to work hard to achieve this,” giit nito.

Idinugtong pa ni Andanar na nais ng pamahalaan na lalong magamit ang media outlets sa ilalim ng PCOO upang isulong ang national branding campaign.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines