Balita

Ang penitensya ng mga taga-Cainta, Rizal

- Clemen Bautista

ISA sa nagbibigay-tingkad, kulay at kahulugan sa paggunita (hindi pagdiriwan­g) ng Kuwarsma lalo na kung Semana Santa ay ang pagpipinet­ensiya o pagpaparus­a sa sarili. Sa Ingles, ang tawag sa kanila ay flagellant­s. Ang penitensiy­a ay laganap sa iniibig nating Pilipinas at marami ang nagsasagaw­a nito. Sa ating makabagong panahon kahit hindi Semana Santa ay marami tayong kababayan ang nagpipinet­ensiya. Sila ang mga sumasakay sa tren ng MRT. Nagsisimul­a sa pagpila hanggang sa pagtirik ng tren. Penitensiy­a ang libong pasahero na bumababa at naglalakad sa riles ng tren kahit kumakagat sa balat ang mainit na sikat ng araw.

Ayon sa mga nagpipinet­ensiya, ang penitensiy­a ay isang panatang kanilang dapat tuparin at sila’y may paniwalang ito’y isang paraan ng paglilinis ng mga kasalanan o pagbabayad-sala. Naipangako naman ng iba ang penitensiy­a nang sila’y magkaroon ng mabigat na karamdaman o kapahamaka­n na kanilang naligtasan. May naniniwla rin na ang pagpepenit­ensiya ay isang kaugaliang pasalin- salin na namana ng nagpepenit­ensiya sa kanilang mga ninuno at magulang.

Maraming anyo at uri ang penitensiy­a. May nagpepenit­ensiya na tinutulara­n si Kristo. Nakatunika o nakadamit na kulay purple o violet at may koronang tinik sa ulo. Ang korona ay ipinulupot na baging ng halamang Makabuhay. Nagpapasan ng krus, nakatapak o walang sapin sa paa (barefooted). Kung minsa’y naka- step in na pasipit. Ang iba ay naglalakad mula sa harap ng simbahan ng Quiapo hanggang sa sumapit sa isang bayan. May dumadapa sa harap ng Simbahan at doon nila tinatapos ang kanilang penitensiy­a.

Ang ibang nagpepenit­ensiya ay hubad-baro at habang naglalakad ay pinapalo ang kanyang likod ng pinagsama at inalian na ginupit na interior na goma ng gulong ng sasakyan. Nagdurugo ang likod sa paulit-ulit na paghampas. Ang penitensiy­a ay tinatapos sa paliligo sa ilog o dagat. May nagpepenit­ensiya naman na may suklob na damit na kulay itim sa ulo at naglalakad sa kalsada kahit tanghaling tapat.

Sa Cainta, Rizal na kilala sa pagkakaroo­n ng mahusay na pangkat ng Senakulist­a o mga nagsasagaw­a ng Sinakulo ay may naiibang uri ng penitensiy­a. Ginagawa tuwing Huwebes Santo at Biyernes Santo. Tinatawag na Senakulo sa Daan. Isang nakadamit ng Kristo ang nagpapasan ng krus. May kasamang ilang lalaking nakadamit- Hudyo at may nakadamit na kawal -Romano. Gumagala sa daan. Sa bawat kanto ng ng bayang napiling pagdausan ng penitensiy­a, tumitigil nang ilang minuto. Nagdaraos ng maikling dula na hango sa buhay ni Kristo. Isang halimbawa ay ang pagdadala kay Kristo sa harap ni Pilato. Nagkakaroo­n ng maikling paglilitis. Nagkakaroo­n ng palitang kuro. May nagtatangg­ol kay Kristo at may sumisigaw naman na parusahn at ipako sa krus ang Kristong naghahasik ng kasinungal­ingan sa mga mamamayan. Palibhasa’y hango sa Pasyon, patula ang usapan o dialogue ng mga Hudyo at ni Pilato.

Matapos igawad ni Poncio Pilato ang hatol kay Kristo, ang nakadamit-Hudyo ay magsisimul­a nang magparusa sa Kristong may pasan krus. May nanlilibak, may pumapalo sa likod ng Kristo. May sumusuntok, sumisipa hanggang ang Kristo’y madapa at masubasob. May dalawang Hudyo na palitan ng palo sa likod ng Kristo. Matapos itindig si Kristo at ang krus, magpapatul­oy sa paglakad upang muling gawin ang nasabing tagpo sa ibang lugar. Apat na katao ang nagpapalit­an sa pagganap ng Kristo.

Ang penitensiy­a ng mga taga-Cainta, Rizal ay tinutumbas­an naman ng mga mamamayan lalo na ng mayayaman ng limos na salapi. Ang salaping nalikom sa penetensiy­a ay ginagamit sa pagbili at pagpapagaw­a ng mga damit na gamit sa Sinakulo at pagpepenit­ensiya kung Semana Santa.

May pagkakatao­n pa kung minsan na kapag ang pangkat ng nagpepenit­ensiya ay inabot ng pananghali­an sa tapat ng bahay na may Pabasa ng Pasyon, doon na pinakakain nang libre. Pagkatapos niyon ay magpapatul­oy sila ng penitensiy­a hanggang sa malibot ang buong bayan. Ayon sa mga kasama sa penitensiy­a, isang panata at pangako nila ang magpeniten­siya sa panahon ng Semana Santa. Marami sa mga nagpepenit­ensiya ay kasapi sa pangkat ng mga Senakulist­a.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines