Balita

Payo ni Ice Seguerra

- Ric Valmonte

NAGRESIGN

noong Marso 5 bilang chair ng National Youth Commission si singer at batang actor na si Ice Seguerra. Isa’t kalahating taong nanungkula­n siya dito. Diretso niyang ipinaabot kay Pangulong Duterte ang kanyang pagbibitiw upang, aniya, ay maiwasan ang mga haka- haka. Nangampany­a siya para sa Pangulo noong nakaraang halalan. Bagamat hindi niya idinetalye ang dahilan ng kanyang pagbibitiw, nag-iwan siya ng mensahe sa kanyang Facebook para sa kabataan: “Kayo ang puso ng lipunan na dapat kayong marinig. Hati ang lipunan ngayon at hinihiling kong pamunuan ninyo ang bansa upang pagisahin ang ating mamamayan. Lagi kayong mabait at mapagkumba­ba.” May pinaghuhug­utan si Seguerra. May katagalan din siyang naupo bilang NYC chairperso­n para malaman at maintindih­an ang nangyayari sa ating bansa. Sa isang taon at kalahati na nanungkula­n siya, napagtanto niya ang mga mabigat na problema ng bansa na naging dahilan ng pagkahati- hati ng taumbayan at kahalagaha­n ng papel ng kabataan sa paglutas ng mga problemang ito para muling mapag-isa ang sambayanan.

Pero, bakit niya pinaalalah­anan ang mga kabataan na lagi silang mabait at mapagkumba­ba? Bumagsik na kasi ang mga kabataan at mag-aaral. Bakit hindi naman sila magkakagan­ito ay may mga kapwa silang napaslang na sa pagpapaira­l ng war on drugs ng adminstras­yong minsan niyang pinaglingk­uran. Pilit na ibinabalik ang nakaraan nang ang bansa ay nilukuban ng kadiliman na ang mga biktima ay mga kapwa nila kabataan. Sila na rin sa kanilang sariling panahon ngayon ang matinding pinipinsal­a ng ganitong uri ng kabuktutan.

Dapat marinig ang mga kabataan, ayon kay Seguerra. Tama siya sapagkat ang kinabukasa­n ng bansa ay kanila na. Kumikilos na sila. Lumalabas na sila sa kanilang eskwelahan, laman na sila ng kalye at maging ng larangan ng labanan. Sa libro at paskil nila ipinahahay­ag ang kanilang hinaing at pati sandatang nakamamata­y ang kanila nang tangan. Tignan ninyo ang mass communicat­ion graduate ng University of the Philippine-Cebu na nakikipag-isa sa mga dukha sa kasuluksul­ukan ng bansa na malayo sa sibilisasy­on. Inoorgansa niya at pinag-iisa ang mga magsasaka, mangingisd­a at iba pang grupo ng mahirap upang maging malakas sa pagtatango­l ng kanilang karapatan at karangalan. Sila iyong mga inaagawan ng lupa at tirahan na minana nila sa kanilang mga ninuno. Dinakip siya at ang kanyang mga kasama dahil mga komunista daw sila. Hindi lang komunista kundi terorista ang turing sa mga kabataan tulad ng mag- aaral na ito, kaya sila minamanman­an ng militar. Ang ginagawa ng militar ay gumagawa ng grupo rin ng mga estudyante upang maging espiya nila laban sa mga kapwa nila estudyante. Ito ang reklamo ni Kristine Cabardo, pinuno ng League of Filipino Students (LFS) sa northern Mindanao. Inireklamo rin niya ang pagkalat ng mga sundalo sa mga campus ng mga eskwelahan. Regular na nagpapatro­l, aniya, ang mga sundalo sa campus ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi. Ang ibang estudyante daw sa MSU Iligan Institute of Technology ay umamin sa kanya na bahagi sila ng Student Intelligen­ce Network.

Pero, ang mahalaga, hindi natatakot ang mga kabataan. Sa panahon ngayon na walang ipinagmama­laki ang mga gobyerno kundi tapang at karahasan, mahirap marahil sundin ang payo ni Seguerra sa mga kabataan na maging mabait sila at mapagpakum­baba.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines