Balita

Edu, kontrabida sa ‘Probinsyan­o’

- Ni ADOR SALUTA

KASAMA na sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyan­o si Edu Manzano. Gaganap siya bilang bise- presidente ng Pilipinas.

“Masama ako dito at siyempre, ‘ yon ang pinakamaga­ndang role at saka maganda kasi ‘ yung pagkakasul­at nu’ng script, eh,” bungad ng aktor. “Gusto kong gumawa ng at least one teleserye a year kung kakayanin. Nag- Bridges of Love pa ako sa ABS(-CBN) bago ako nag-GMA. So, hindi rin matagal ‘yung interval. Palipatlip­at lang naman ako kung saan may trabaho,”.

May offer ang GMA-7 to renew his contract pero nataon namang may offer na ang ABS-CBN sa kanya.

“There was an offer to renew pero dumating din ‘yung offer, na actually, matagal-tagal na ring ino-offer itong Ang

Probinsyan­o sa akin.” Tuwing nagkikita raw sila noon ni Coco ay palagi nitong binabanggi­t na sana ay magkatraba­ho sila.

“Sa tinagal-tagal ko dito sa industriya, siguro lahat nakatrabah­o ko na, eh. Si Coco ngayon lang, pero tuwing nagkikita kami, laging, ‘Kuya Doods, trabaho na tayo.’ Pinaguusap­an namin kung kelan kami magkakatra­baho.”

Hindi ba niya nami-miss mag-host ng game show sa Dos?

“Alam mo, iba ang game show. Akala ng tao ganu’n-ganu’n lang, pero napakahira­p ng game show. Kasi una sa lahat, kailangang mag-build ka ng relationsh­ip do’n sa contestant at do’n sa audience mo. Hindi katulad ng drama or fantasy, kasi napakarami­ng mga characters do’n, eh. Dito, ikaw at yung contestant. Pero ngayon kasi wala nang game show, eh.

“Dati ang game show sa loob ng isang linggo may lima, na magkakaiba, so I think now mas nagiging mapili pagdating sa… kasi puro mga franchise na sa ibang bansa,” paliwanag niya.

 ??  ?? Edu
Edu

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines