Balita

Blac Chyna, binati si ex-fiance Rob Kardashian sa kaarawan nito

-

GINULAT ni Blac Chyna hyna ang kanyang fans nang magpadala siya ng birthday rthday message sa kanyang ex-fiance fiance na si Rob Kardashian. Tumuntong na sa edad 31 ang Keeping Up with th the

Kardashian­s star nitong Sabado, bado, at nagpasalam­at sa birthday hday wishes mula sa kanyang yang pamilya at kay Chyna.

“Happy Birthday Rob from Dreamy and Chy,” ” post ng 29 taong gulang na star, kasama ang kanilang larawan at ang kanilang 16 na buwang anak na si Dream sa kaniyang Instagram Stories.

Nagkaroon ng relasyon ang dalawa noong 2016, at nagpropose si Rob kay Chyna noong Abril 2016. Isinilang ni Chyna Dream noong Nobyembre, ngunit naghiwalay din noong Pebrero 2017.

Nang maudlot ng kanilang engagement, nagkaroon ng alitan ang dating magkasinta­han sa social media, dahil nag-post si Rob ng explicit photos ng kanyang ex-fiancee sa Instagram, kaya nagsampa ng kaso si Chyna laban kay Rob. Nakabimbin naman ang kaso. Nag-post din si Rob ng larawan ng anak nila, nang magkasama sila noong kaarawan niya, kasabay ng St. Patrick’s Day. “Happy birthday to me,” caption niya sa litratong ipinost sa Snapchat, at kalaunan ay nag-post naman ng larawan ni Dream na nakaupo sa laruang kotse, katabi ang mga green shamrock birthday balloon. Nag-post naman ang ina nitong si Kris Jenner ng collage ng larawan niya at ni Rob sa Instagram, at caption nito: “You are the most wonderful son a mum could ever ask for and I thank God for you every day! It brings me so much joy to see the incredible father you have become. I am so proud of you!! Love, Mummy x”.

 ??  ?? Blac Chyna
Blac Chyna

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines