PAGDILA SA APOY “Pa’no mo nalaman?” “Basta, alam ko.” Pagkaraan ng ilang sandali, aniya: “Ako ang dapat na pasalamat sa iyo, Efren.” Kunot-noo si Efren. “Do’n sa ibinigay mo,” dugtong niya. “Ang laki no’n!” Gustong idugtong ni Princess na hindi naman niya
Ika-103 labas
NANG
sumunod na gabi, hindi dumating sa klab si Efren. May gustong tumebol kay Princess na may edad nang mukhang mayaman din pero katakatakang tinanggihan niya. Sinusunod pa niya ang hiling ni Efen? Pero ang hiling lang naman ni Efren ay huwang siyang palalabas di ba?
Nang sumunod na gabi, naroon si Efren. Pagkatapos ng kanyang dance number, ipinatawag siya nito.
Pag-upo niya sa tabi ni Efren, anito: “Salamat!” Kunot-noo siya. “Saan?” “Sa hindi mo pagtebol kagabi kahit may gustong tumebol sa iyo.” araw kita pupuntahan dito.”
Gusto itanong ni Princess kung bakit. Pero hindi naman niya itinuloy ang pagtatanong.
Dakong alas dos din ng madaling araw nang magpaalam si Efren. At sinabi uli: “Hindi nakakalimutan ang sinabi ko sa ‘yo, Princess. Iaalis kita dito. Pero hindi naman ako nagmamadali. Bibigyan kita ng pagkakataong makapag-isip. Gusto ko’y bukal sa loob mo ang magiging pagsama mo sa akin.”
Higit na malaking halaga ang iniwan sa kanya ni Efren: Naiisip niya: Tama ang sinabi ng floor manager, puwede nga siyang yumaman!
Binubuo na ni Orincess sa kanyang isip na sasama siya kay Efren. Ganitong pinupuntahan pa lang siya sa klab ay limpak na ang ibinibigay sa kanya, paano pa kaya kung ibinabahay na siya nito? O iginagarahe. O kinekerida. O kahit na ano pa.
Itinatanong pa rin niya: Saan kaya nagtatrabaho si Efren at gayon na lang karami ang kanyang pera? O hindi naman talaga nagtatrabaho kundi talagang mayaman ang pamilya. A, hindi naman siya kailangang magtanong. Ang mahalaga, kung sasama siya kay Efren, mahihiga siya sa salapi.
Kahit na nabuo na sa isip niyang sasama na talaga siya kay Efren, hindi naman kaagad niya sinabi dito. Kailangan naman marahil na magpakipot siya ng kaunti.
“Payag ka kaya, Princess…kung lumabas tayo minsan?” Isang gabi, sabi uli ni Efren.
Ngumiti lang siya ng matamis.
“Kung payag ka, sa susunod na punta ko rito iyon.” Ngumiti lang ulit siya. “Kung hindi ka pa naman handa, kalimutan mo na langa ang sinabi ko.”
“Sinabi ko bang hindi?” Nakayuko siya.
“Ayan! Payag ka!” Masayangmasaya yata si Efren.
“Sa laki ba naman ng naibibigay mo na sa ‘kin, pwede pa ba naman akong tumanggi?”
Bigla, lumatay sa mukha ni Efren ang lungkot. “Bakit, Efren?” “’Yan kasi ang pinaka-ayaw ko, Princess. ‘Yang dahil lang sa pera kaya ka sasama sa akin. Wala naman kasing kwenta yang pera. Ang gusto ko talaga, yung bukal sa kalooban mo.”
“Sorry Efren, hindi naman kasi ganoon talaga ang ibig kong sabihin.
Itutuloy...