Balita

La Salle booters, sumirit sa pedestal

- Marivic Awitan

NAIPANALO ng defending champion De La Salle University ang kanilang dalawang laro sa nakalipas na linggo upang tumatag sa solong pamumuno hawak ang barahang 8- 2, panalo- talo at makasiguro ng playoff para sa Final Four berth ng UAAP Season 80 women’s volleyball tournament.

At nasa gitna ng naging matikas na performanc­e ng Lady Spikers partikular ang nakaraang 5- sets win kontra Far Eastern University noong Linggo si Kim Kianna Dy.

Ang La Salle opposite hitter ang nagsilbing offensive focal point ng nasabing dalawang panalo ng Lady Spikers na kinabibila­ngan ng straight sets win nila kontra University of the Philippine­s noong Miyerkules na syang naging dahilan para tanghalin siyang UAAP Press Corps Player of the Week..

Solido ang ipinakita ni Dy sa 3-set sweep ng University of the Philippine­s, 25-15, 25-19, 25-19, sa ipinoste nyang 14 puntos, na sinundan nya ng 18 puntos sa kanilang 5-set win, 25-17, 21-25, 16- 25, 25- 20, 15- 5 kontra Lady Tams kabilang ang 4 na puntos na itinala nya sa decider set.

“Yung mindset namin coming into the fifth set was dapat mauna kami, kasi FEU is very aggressive so pag dumikit mahihirapa­n kami,” wika ni Dy. “So game plan talaga is unahan sila.”

Dahil sa kanyang kabuuang 32 puntos na itinala noong nakaraang linggo, umangat si Dy sa pang-6 na puwesto mula sa pang-11 posisyon sa hanay ng mga league leading scorers kung saan nilagpasan nya sina Ateneo hitter Jhoanna Maraguinot, ang kanyang teammate na si Mary Joy Baron, Adamson skipper Jema Galanza at kakampi nitong si Mylene Paat, at University of the East spiker Mary Ann Mendrez.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines