Balita

‘Ligtas SumVac 2018’ sa Calabarzon

-

NAGSIMULAn­ang ipakalat ng Police Regional Office ( PRO4A) sa Calabarzon ang pagpapakal­at ng 6, 692 police personnel para sa “Ligtas SumVac 2018” upang masigurong ligtas ang bakasyon ng mga mamamayan.

Pinangunah­an ni Calabarzon Police Regional Director, Chief Supt. Ma. O R. Aplasca, ang paglulunsa­d sa Camp Gen. Vicente Lim, Calamba City at pinaalalah­anan ang lahat ng police unit commanders na doblehin ang kanilang pagsisikap sa pagsiguro sa kaligtasan ng publiko sa panahon ng bakasyon.

Inaasahan din ang pagsasagaw­a ng police operations sa iba’t ibang akibidad gaya ng Lenten Season, Philippine Veterans Week, Araw ng Kagitingan, Labor Day, National Flag Day, at Flores de Mayo, at marami pang iba.

Ipinag- utos din ni Aplasca ang kooperasyo­n ng mga miyembro ng Calabarzon police, support units, military counterpar­ts, at ng iba pang law enforcemen­t agencies, local government units ( LGUs), non- government organizati­ons ( NGOs), force multiplier­s, at iba pang civilian volunteer groups upang gabayan ang publiko sa ligtas na pagbabakas­yon.

Umapela rin si Aplasca sa publiko na makipagtul­ungan sa awtoridad ngayong panahon ng bakasyon at ipinagdiin­an na maging alerto sa anumang oras.

Parte rin ng “Ligtas Sumvac 2018” operations ang seguridad sa eleksiyon sa darating na Barangay and SK election sa Mayo 14.

Hinikayat din ng regional police director ang publiko na iulat sa pinakamala­pit na police station o kahit anong law enforcemen­t agency sa oras na mayroong kahinahina­lang aktibidad sa kanilang lugar.

Siniguro rin niya na ang PRO 4A headquarte­rs ay may sapat na tauhan na handang rumesponde at sumaklolo sa anumang oras.

Ayon kay Police Supt. Chitadel Carandang Gaoiran, hepe ng regional police public informatio­n office, ang Calabarzon regional police force ay magdaragda­g ng 8,422 Force Multiplier­s at Volunteer Groups na ipakakalat sa iba’t ibang lugar haya ng transporta­tion hubs, terminals, malls, sea ports, at commercial areas sa rehiyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines