Balita

Lopez chess tilt sa Lipa City

-

HANDA na ang lahat sa pinakahihi­ntay na 2nd edition ng Councilor Camille Lopez chess tournament sa Abril 15 na gaganapin sa 2nd floor building 1, Public Market sa Lipa City, Batangas.

“Lubos po kaming nagpapasal­amat kay Councilor Camille Lopez sa walang humpay na pagsuporta sa mga kabataan at sa sports lalung-luna na sa chess,” sabi ni tournament director Aexandro “Allan” Osena, presidente ng Lipa City ChristianM­uslim Chess Associatio­n (LCCMCA) na kaagapay sa pagpapalag­anap ng sports si LBC Express Customer Associate Ryan Lopez Sauz na tumatayong Press Relation Officer (PRO).

“Ginagawa natin itong event na ito para mapalagana­p ang larong chess sa grassroots level, makadisukb­re ng future chess master at makaiwas ang mga kabataan sa masasamang bisyo,” ayon kay Osena, presidente din ng Golden Mind Chess Club.

Bukas ang nasabing torneo sa lahat ng residente ng Lipa City, Batangas at miyembro ng Lipa City ChristianM­uslim Chess Associatio­n (LCCMCA) na ipapatupad ang 20 minutes five seconds delay time control format. Maibubulsa ng magkakampe­on ang

R2,000 plus tropeo, nakalaan naman sa ika-2 puwesto ang R1,500 plus medal, maibubulsa ng ika-3 puwesto ang R1,000 plus medal, matatangap naman ng ika-4 na puwesto ang R700 plus medal at maiuuwi naman ng ika-5 puwesto ang R500 plus medal.

May tig R500 plus medal naman ang mapapanalu­nan ng Top Lady, Senior, Elementary at High School.

Tumawag sa mga numero sa 0916792-2536 at 0921-250-0251 para sa dagdag detalye.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines