Balita

AWOL na parak, huli sa R100k ‘shabu’

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Arestado ang isang pulis, na naka-absent without leave (AWOL) at ang dalawa nitong kasama sa buy-bust operation sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Chief Insp. Salvador Tangdol, hepe ng Station Drug Enforcemen­t Team ng Manila Police District ( MPD)- Station 5, ang mga inaresto na sina PO2 Francisco Balao Ylagan, alyas Boss, 41, nag-AWOL simula noong 2014, ng 1923 F. Leveriza Street, Pasay City; Nielsen Mosqueda, 39, tricycle driver; at Jessica Grace Estores Cabrera, alyas Negra, 20, kapwa ng Maginhawa St., Malate ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, ikinasa ang buy- bust operation sa panulukan ng Quintos at M.H Del Pilar Sts., sa Malate, dakong 5:30 ng madaling araw.

Sakay sa tricycle si PO2 Ylagan, na minamaneho ni Mosqueda, kasama si Cabrera nang dumating sa lugar upang iabot umano ang biniling droga ng pulis poseur-buyer na sanhi ng kanilang pagkakaare­sto.

Narekober sa mga suspek ang 21 pakete ng hinihinala­ng shabu, na tinatayang nagkakahal­aga ng P100,000; P1,000 buy-bust money; isang itim na wallet na may NBI Badge at naglalaman din ng PNP ID ni PO2 Ylagan; police clearance ID; at driver’s license ni Florida.

Sa pulisya, itinanggi ni Mosqueda na may kinalaman siya sa transaksiy­on dahil namamasada lang siya at naging pasahero sina PO2 Ylagan at Cabrera.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

 ?? HABOL SA BAKASYON ALVIN KASIBAN ?? Dumagsa kahapon ang mga biyahero sa Araneta Bus Terminal sa Cubao, Quezon City upang humabol na makauwi sa kani-kanilang probinsiya para sa Mahal na Araw.
HABOL SA BAKASYON ALVIN KASIBAN Dumagsa kahapon ang mga biyahero sa Araneta Bus Terminal sa Cubao, Quezon City upang humabol na makauwi sa kani-kanilang probinsiya para sa Mahal na Araw.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines