Balita

‘Killer’ ng pulis, chairman timbog

- Dhel Nazario

Bumagsak sa kamay ng Southern Police District (SPD) ang isa umanong miyembro ng gun-for-hire, na sinasabing pumatay sa isang barangay chairman at isa pang pulisTagui­g, nitong Biyernes.

Kinilala ni SPD director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr. ang suspek na si Michael Mama, 33, ng Road 14, Purok 2, Roldan Street, Barangay New Lower Bicutan, Taguig City.

Nadakip ng mga tauhan ng District Drug Enforcemen­t Unit ( DDEU) at ng District Special Operations Unit ang suspek sa kanyang bahay, dakong 5:00 ng madaling araw.

Hindi kalayuan sa lugar, naaresto rin ang kanyang tatay na si Ben Mama, 58, isang Islam Religious leader; Datu Omar Mama, 25, kapatid ni Michael; bayaw nitong si Mochiaco Usman, 19; at Akmad Alima, 24, sa buy-bust operation.

Nakumpiska mula kay Datu Omar Mama ang isang maliit na pakete ng hinihinala­ng shabu; isang pakete at isang ice plastic bag na naglalaman ng umano’y shabu; at isang granada. Dalawang pakete naman ng umano’y shabu ang nakuha kay Mochiaco Usman; at tatlong pakete ng umanoy shabu kay Akmad Aliman; habang isang ARMSCOR 202 cal. 38 revolver na kargado ng anim na bala ang kay Ben Mama.

Samantala, si Michael Mama ay may tatlong standing arrest warrants dahil sa carnapping, frustrated murder, at robbery na inisyu ni Pasig City Regional Trial Court Branch 266 Judge Toribio Ilao, Jr.

Ayon pa kay Chief Supt. Apolinario, si Michael Mama ang pangunahin­g suspek sa pagpatay kay Barangay Lower Bicutan chair Aurelio Padilla, 67, noong 2015; at PO2 Angelo Villanueva noong Oktubre 2017.

Ayon sa Taguig City Police, pauwi noon si Padilla nang itumba ng riding- in- tandem sa tapat ng car shop sa MLQ Street, Purok 2, New Lower Bicutan, dakong 9:30 ng gabi.

Nasa ikatlong termino na, bilang kapitan, ang biktima nang mangyari ang insidente at sinasabing pulitika ang nakikitang motibo sa pagpatay.

Ayon sa mga imbestigad­or, si Omar Mama, na nanalo bilang kagawad ng barangay, ang nakaalitan ni Padilla dahil sa pagre- recruit ng tanod na sangkot umano sa ilegal na droga bilang staff.

Narekober kay Mama ang isang Ingram SMG cal .9mm, isang magazine na kargado ng 44 bala ng cal .9mm, at isang granada.

Mariin namang itinanggi ni Michael Mama ang kanyang partisipas­yon sa pagpatay kina Padilla at PO2 Angelo Villanueva. Positibong itinuro si Mama ng partner ni PO2 Villanueva, na si Jemelee Roy Llenado, na nasa likod ng pagpatay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines