Balita

Linggo ng Palaspas, simula ng Semana Santa

- Clemen Bautista

SAliturgic­al calendar ng Simbahan, masaya at makulay na ipinagdiri­wang ngayon ng mga Kristiyano­ng Katoliko ang Linggo ng Palaspas o Palm Sunday. Sa araw na ito ginugunita ang matagumpay na pagpasok ni Kristo sa Jerusalem, kasama ang kanyang mga alagad. At sa paggunita ng Kuwaresma o ng huling 40 araw ng public ministry ni Kristo, ang Linggo ng Palaspas ang simula ng Semana Santa o Holy Week. Sa tradisyong Kristiyano, ang mga magsisimba ngayon, anuman ang kalagayan sa buhay, lipunan at pamahalaan man, ay may dalang palaspas upang pabendisyu­nan sa pari. Pagkatapos, sasama sila sa prusisyon na maaaring gawin sa patyo ng simbahan. Sa ibang mga bayan at parokya, ang prusisyon tuwing Linggo ng Palaspas ay ginagawa sa istratehik­ong lugar sa bayan.

Ang pagdiriwan­g at paggunita ng Linggo ng Palaspas ay ibinatay sa Bibliya, na sinulat ng mga Ebanghelis­to. Ganito ang halimbawa. Isang araw ng Linggo, bago sumapit ang pista ng Passover o ng kapistahan ng Tinapay na walang lebadura, inatasan ni Kristo ang ilan niyang alagad na mauna upang ihanda ang isang bisiro na Kanyang sasakyan. Isinapin ng mga alagad ang kanilang mga balabal sa likod ng bisiro at sumakay si Kristo. Gayon na lamang ang kagalakan ng maraming tao sa lungsod ng Jerualem. Kaya, nagsiputol sila ng mga sanga ng kahoy. Ang iba’y ng dahon ng Oliba at Palaspas. Sa pagpasok ni Kristo sa Jerusalem, sakay ng isang bisiro, Siya’y mainit na tinanggap at sinalubong ng mga tao. Nagwagaywa­y ng mga sanga at dahon ng Oliba at Palaspas. Inilatag ang kanilang mga balabal sa daan. Marami ang nagsigawan at umawit ng “Mabuhay ang Anak ni David na naparirito sa ngalan ng Panginoon!”

Ayon sa binagong liturhiya ng Semana Santa, may tatlong anyo ang pagbebendi­syon ng mga palaspas. Ang una, na itinuuturi­ng na pinakataim­tim ay ang ginagawa sa labas ng simbahan. Ang ikalawa naman ay sa patyo ng simbahan. Ang pangatlo na pinakakara­niwang pagbebendi­syon ng pari sa mga palaspas ay sa harap ng altar bago o matapos ang misa.

Matapos ang prusisyon at pagsisimba, ang mga palaspas na binditado ay inilalagay sa altar ng mga tahanan o kaya ay sa bintana. May naglalagay naman ng palaspas sa itaas ng pinto ng bahay. May paniwala ang iba nating kababayan, lalo na ang mga nasa lalawigan, na ang binditadon­g palapas ay nagtatagla­y ng “bisa” at “kapangyari­han” laban sa masasamang espiritu. May naniniwala naman na kapag matutunog at halos nakabibing­i ang dagundong ng kulog at matatalim ang kidlat, ang pagsusunog ng mga dahon ng palaspas ay nakapapawi ng “galit” ng Diyos na isinasatin­ig sa pamamagita­n ng dumadagund­ong na kulog at matatalim na kidlat. Ayon sa ilang mapagbiro’y naglalaro raw ng bowling sa Langit si San Pedro.

Ang mga palaspas ay mula sa mga usbong ng buli o ng niyog. Sa pagiging malikhain ng ating mga kababayan, lalo na ang mga nasa lalawigan, nagagawan ng iba’t ibang disenyo ang mga dahon at dulo ng palaspas. May mga hugisibon ang dulo ng dahon ng palaspas. Ang pinakapuno naman ay hugisbahay-langaw at parang tinirintas na buhok ng babae. May nagdaragda­g naman ng mga makulay na papel na ginawang bulaklak upang tumingkad lalo ang ganda ng palaspas.

Sa mga palengke, bisperas pa lamang ng Palm Sunday ay may nagtitinda na ng mga palaspas. Sila’y mga taga-Laguna. May nagtitinda rin sa harap ng simbahan. Sa kanila bumibli ang mga magsisimba at pabebendis­yunan sa pari. Pagkatapos ay sasama sa prusisyon

Sa misa ngayong Linggo ng Palaspas, isa sa mga mapapansin ng mga nagsisismb­a ay ang mahabang Gospel. Nagsasalay­say sa pagpapahir­ap at pasakit kay Kristo hanggang sa pagpapako sa krus, namatay, at libing. Sa tradisyong Pilipino, ngayong simula ng Semana Santa ay umpisa na ng Pabasa o Pagbasa ng Pasyon, Sinakulo, Visita Iglesia, Via Crucis o Way of the Cross at penitensiy­a.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines