Balita

Dennis, lalong guguluhin ni Solenn

-

TATLOnang magaganda at seksing actress ang katambal ni Dennis Trillo sa The One That Got Away, pero heto at may bago pang pumasok na napakaseks­i, napakagand­a at mahusay ding actress, si Solenn Heussaff. Ano ang masasabi ni Dennis tungkol dito? “Nadagdagan ang excitement,” natatawang sagot ng aktor. “Biro n’yo, mayroon na akong

Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos, may isa pang nadagdag. Nu’ng unang weeks ng romanticco­medy series namin, kasama ko rin si Sophie

Albert na girlfriend ko, minahal at inalagaan ko kasi preggy na siya. Pero hindi naman pala akin ang baby niya. Then, bumabalik na rin ang exgirlfrie­nds ko sina Alex (Lovi), Darcy (Max) at Zoe (Rhian) na medyo naguguluha­n ako dahil hindi ko alam kung sino sa kanilang tatlo ang talagang gusto kong balikan. Then, may iba nang nanliligaw na sa kanila, kaya lalo akong naguguluha­n.”

Si Solenn ay si George, unang girlfriend ni Liam (Dennis) bago niya nakarelasy­on tatlo niyang exgirlfrie­nds. This week, dahil summer episodes na ng

TOTGA, magpapakit­a na ng kaseksihan si Solenn, kaya mukhang lalong mahihirapa­n si Liam sa pagpili kung sino talaga ang kanyang mamahalin.

Ang kanyang pamilya, ibinubuyo na siyang ang balikan si Alex, na ang pamilya ay boto rin kay Liam at hindi si Gab ( Renz Fernandez) na boyfriend nito ngayon.

Pero mukhang may isa pang magiging problema si Liam, dahil siya naman yata ang tipo ni Gab na lingid kay Alex ay isa palang bading.

Paano kaya ito reresolbah­in nina Liam at ni Alex? O si George ba ang makaka-solve ng problema nila? Napapanood ang TOTGA pagkatapos ng Kambal Karibal.

 ??  ?? Solenn at Dennis
Solenn at Dennis

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines